Imbestigasyon vs Cavite prosecutor slay iniutos ni Carlos

Imbestigasyon vs Cavite prosecutor slay iniutos ni Carlos

January 2, 2022 @ 10:24 AM 7 months ago


MANILA, Philippines- Iniatas ni Gen. Dionardo Carlos, chief ng Philippine National Police (PNP), ordered nitong Sabado, ang imbestigasyon sa pagpatay kay Trece Martires City Assistant Prosecutor Edilbert Mendoza sa labas ng kanyang bahay.

Sa ulat, nag-e-ehersisyo lang si Mendoza, 48-anyos, sa labas ng kanyang bahay sa barangay Cabuco nitong Biyernes, nang lapitan siya ng suspek at mula sa likod ay pinagbabaril.

“The investigators will look into the cases handled by Fiscal Mendoza to establish if the motive of the crime is job-related,” pahayag ni Carlos.

Nakuhanan ang naturang krimen sa Closed Circuit Television (CCTV) na kasalukuyang nire-rebyu ng pulisya sa pagsasagawa nila ng imbestigasyon sa insidente.

Isa si Mendoza sa mga abogado at miyembro ng hudikatura na biktima ng pamamaril sa nakalipas na limang taon.

“The PNP will take note of sensational cases that may warrant threat against the prosecutor’s life. Our investigators are gathering more evidence including the CCTV footage operating inside the subdivision,” ayon kay Carlos.

“Persons of interest have been identified but we defer to premature disclosure to preclude any compromise in the investigation,” patuloy  nkiya. RNT/SA