Imbestigasyon vs fake vax cards ikinasa ng PNP

Imbestigasyon vs fake vax cards ikinasa ng PNP

January 16, 2022 @ 10:42 AM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inumpisahan na ng Philippine National Police (PNP) hang imbestigasyon sa paggawa at paggamit ng pekeng vaccination cards sa gitna ng desisyon ng pamahalaan na kontrolin ang paglabas ng mga hindi pa bakunadong indibidwal.

Sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na ang paggamit ng pekeng vaccination cards ay mapanganib dahil maaari umano itong makadagdag sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) at maglagay sa unvaccinated individuals sa panganib ng matinding epekto ng virus.

Matatandaang inilahad ng Department of Health earlier na karamihan sa COVID patients sa Intensive Care Unit ng mga ospital ay hindi bakunado.

“Don’t ever attempt to falsify the vaccination card or else you’ll face raps. Remember, this is an offense under the Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law,” sabi ni Carlos. 

Sakaling mahuling “falsifying, tampering, or using a fake vaccination card, a person could be slapped with penalties including a P20,000 to P50,000 fine or imprisonment of one to six months, or both.”

“Since more local government units are now under stricter restrictions, chief executives may opt to implement the ‘no vaccination, no entry’ policy in establishments or entry points, including checkpoints,” sabi pa ni Carlos.

Naglabas din ang Department of Transportation ng utos laban sa mga hindi bakunadong indibidwal na sumasakay sa public utility vehicles. RNT/SA