Imbestigasyon vs umano’y data breach ikinasa ng Comelec

Imbestigasyon vs umano’y data breach ikinasa ng Comelec

January 10, 2022 @ 6:52 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Muli na naman umanong nakaranas ang Commission on Elections (Comelec) ng data breach, apat na buwan bago sumapit ang  eleksyon, batay sa isang ulat nitong Lunes na nagsasabing “60 gigabytes” ng  “sensitive voter information” at iba pang datos ang nanakaw ng mga hindi pa nakikilalang hackers. 

Base sa ulat, naganap ang insidente nitong Sabado.

“[T]he hackers’ group managed to breach the system of the Comelec last Saturday, Jan. 8, 2022, and download files that included, among others, usernames and PINS of vote-counting machines (VCM),” nakasaad sa artikulo.

Ayon pa dito, ninakaw ng hackers ang network diagrams, IP addresses, listahan ng lahat ng privileged users, domain admin credentials, listahan ng lahat ng passwords at domain policies, access sa ballot handling dashboard, at QR code captures ng bureau of canvassers na may login at password.

“Sensitive data downloaded also included list of overseas absentee voters, location of all voting precincts with details of board of canvassers, all configuration list of the database, and list of all user accounts of Comelec personnel,” base sa ulat.

Tumanggi naman si Comelec spokesman James Jimenez nitong Lunes na kumpirmahin ang insidente subalit aniya nagsasagawa na sila ng imbestigasyon ukol sa mga alegasyong ito.

“Currently conducting inquiries into the allegations of the report. We will update ASAP,” tugon ni Jimenez.

Sakaling makumpirma, hindi ito ang unang insidente na nagkaroon ng data breach sa poll body.

Isasagawa ang eleksyon sa Mayo 9, 2022. RNT/SA