Imbitasyon ng US sa ASEAN-US Special Summit tinanggihan ni PDu30

Imbitasyon ng US sa ASEAN-US Special Summit tinanggihan ni PDu30

April 27, 2022 @ 10:36 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang imbitasyon ng Estados Unidos para dumalo ito sa ASEAN – US Special Summit na nakatakda sa Mayo 11 hanggang 13.

Sa kanyang Talk to the People, araw ng Miyerkules, sinabi ng Chief Executive na nagpasiya siyang tanggihan ang imbitasyon dahil sa nasabing petsa ay malalaman na kasi kung sino ang nanalong kandidato sa pagka-Pangulo.

Sa kabila ng wala pang proklamasyon sa naturang panahon, pangit na ding tingnan aniya kung pupunta pa siya sa okasyon gayung malinaw na naman na may papalit na sa kanya.

Sinabi pa ng Pangulo na baka may mga mabuong agreement o commitment duon na kanyang tindigan at sa bandang huli pala ay iba sa magiging paninindigan ng papalit sa kanyang Pangulo.

Sa kabilang dako, ipinag-utos na aniya niya kina Executive Secretary Salvador Medialdea at Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipaabot ang kanyang naging pasya. Kris Jose