Imbitasyon ni Biden sa democracy summit tinanggap ni Digong

Imbitasyon ni Biden sa democracy summit tinanggap ni Digong

December 8, 2021 @ 6:45 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Summit for Democracy sa Disyembre 9 hanggang 10 dahil na rin sa imbitasyon ni United States President Joseph Biden.

“President Duterte welcomes the opportunity to share the Philippine democratic experience and commitment to democratic values and nation-building at the Summit for Democracy,” ang nakasaad sa kalatas na ipinalabas ng the Office of the President (OP),  Martes.

Si Biden, sa kanyang imbitasyon para sa Summit for Democracy, ay nagpahayag na ang Washington ay magho-host ng inisyatiba “with humility and in the spirit of mutual learning.”

“We recognize and appreciate your partnership in working to build democratic and human-rights respecting societies that allow all citizens to thrive. In a moment of significant challenge and enormous opportunity, it is more important than ever for democracies to prove that we can deliver for the needs of our people,” ayon kay Biden sa kanyang imbitasyon na ipinahayag naman ng OP.

Isang hiwalay na kalatas naman ang ipinalabas ng US State Department ang nagsasaad na ang Summit for Democracy para sa mga lider mula sa gobyerno, civil society, at pribadong sektor ay idaraos virtually sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“The summit will focus on challenges and opportunities facing democracies and will provide a platform for leaders to announce both individual and collective commitments, reforms, and initiatives to defend democracy and human rights at home and abroad,” ayon sa US State Department.

Nauna rito, sinabi ng US State Department na nagsagawa na ito ng konsultasyon sa mga eksperto mula sa gobyerno, multilateral organizations, philanthropies, civil society, at private sector “to solicit bold, practicable ideas around three key themes namely: defending against authoritarianism, addressing and fighting corruption and promoting respect for human rights.”

Matatandaang, pinagbigyan ng International Criminal Court (ICC) ang naging kahilingan ni Pangulong Duterte na ipagpaliban ang imbestigasyon sa drug war killings ng Philippine government sa panahon ng police operations para sa di umano’y crimes against humanity.

Idinahilan ng Duterte administration sa ICC ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng lokal na awtoridad.

Para naman sa mga complainants, kailangan na ituloy ng ICC ang imbestigasyon nito dahil ang “ongoing probe is not meant to hold the perpetrators of drug war killings accountable.” Kris Jose