Imee dismayado sa mababang farmgate price sa gitna ng planong pag-aangkat ng sibuyas

Imee dismayado sa mababang farmgate price sa gitna ng planong pag-aangkat ng sibuyas

December 1, 2022 @ 5:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Imee Marcos sa mababang farmgate prices sa gitna ng planong pag-aangkat ng sibuyas na lubhang nakakaapekto sa local na magsasaka.

Sa pahayag, sinabi ni Marcos na kapag natuloy ang planong pag-aangkat ng sibuyas sa kalagitnaan ng Disyembre, lubhang maapektuhan dito ang local na magsasaka dahil nakatakdang umani ang walong lalawigan sa ikalawang linggo ng Disyembre.

Ikinokonsidera ng Department of Agriculture na umangkat ng 7,000 metriko tonelada ng pulang sibuyas sa gitna ng mataas na halaga nito sa pamilihan.

“Have we forgotten our farmers? High consumer prices are being addressed but what happens to our farmers who are reeling from farmgate prices that are half the production cost?” ayon kay Marcos sa statement.

Sa kalagitnaan ng Nobyembre, umabot ang farmgate price ng sibuya sa P25 hanggang P27 kada kilo, na mas mababa sa P45 hanggang P55 kada kilo upang kumita ng magsasaka.

Pero, para kay Marcos, pagmamanipula ng halaga ng sibuyas ang dulot ng importasyon.

“Importation has been part of a cycle of price manipulation by traders in cahoots with corrupt officials in the DA and the Bureau of Customs. Turning a blind eye to hoarding and smuggling leave us stuck with the stop-gap measure of importation,” ayon sa senador.

“Local crops are hoarded to cause an artificial shortage, then sold when consumer demand pushes up market prices. High prices then back up a call for importation that pushes down farmgate prices. Traders then buy from local farmers at depressed prices and hoard the crop once again, while smugglers profit on misdeclared and undervalued imports,” giit niya.

Base sa Bureau of Plant Industry’s (BPI) November monitoring report, sinabi ni Marcos na mahigit 43 percent ng red onion harvests ay aanihin sa Disyembre.

“A yield of 5,537.3 metric tons of red onions is expected out of the 12,837.9 metric tons total expected yield until February next year,” ayon sa naturang report.

Ngunit, sinabi ni BPI na kakapusin ang suplay ng sibuyas sa Disyembre dahil sinalanta ng bagyong Paeng ang pananim nitong Oktubre at umaabot lamang sa 13,043.37 metriko tonelada ang imbak na produkto kay inirekomenda ang pag-aangkat nito. Ernie Reyes