Imee Marcos namahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyo sa Cagayan, Isabela

Imee Marcos namahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyo sa Cagayan, Isabela

November 27, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


RAMON, ISABELA – Personal na inabot ni Senator Imee Marcos ang tulong pinasyal sa mga apektado ng nakaraang magkasunod na pagbaha dulot ng bagyong Maymay, Neneng at Obet dito sa lalawigan ng Cagayan at Isabela ngayon araw.

Halos mahigit 1,000 indibidwal na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo sa Buguey,Cagayan

Nasa kabuuang 1,600 pamilya sa nasabing bayan ang tumanggap ng tig P3,000 ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Ang mga benepisyaryo ay ang mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyong Maymay, Neneng at Obet na naminsala sa lalawigan noong mga nakaraang buwan.

Ayon kay Sen. Marcos ay makakatanggap din ng ayuda ang mga pamilya mula sa ibang bayan na nawalan ng bahay at kabuhayan dahil sa pananalasa ng mga bagyo.

Dumalo din sa aktibidad sina Governor Manuel Mamba, Buguey Mayor Licerio Antiporda, Camalanuigan Isidro Cabaddu, Sta. Teresita Mayor Atty. Rodrigo De Gracia, Aparri Mayor Bryan Chan, Lallo Vice Mayor Olivia Pascual, Sta. Ana Mayor Nelson Robinion, 3rd District BM Rodrigo De Asis, 1st District BM Atty. Romeo Garcia, PNP Cagayan, MBLT10, barangay officials at mga kawani DSWD at BFAR Region 2.

Samantala sa lalawigan ng Isabela ay umaabot din sa halos mahigit 1,000 na residente ng bayan ng Sta. Maria at Ramon ang makakatanggap ng financial assistance mula sa DSWD 2 at pamahalaang panlalawigan ng Isabela katuwang ang tanggapan ni Sen. Imee Marcos kung saan ay personal na ipamamahagi nito sa mga naturang apektadong.

Labis nagpasalamat si Isabela Gov. Rodito Albano III sa ipinamahaging ayuda sa mga libu-libong mamamayan sa lalalawigan na apektado ng nakaraang bagyo. Rey Velasco