Imee Marcos sa birthday celebration ni Imelda sa Malakanyang: Bawal ba ‘yun?

Imee Marcos sa birthday celebration ni Imelda sa Malakanyang: Bawal ba ‘yun?

July 5, 2022 @ 7:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Itinanggi ni Senator Imee Marcos nitong Lunes na pera ng pamahalaan ang ginamit sa “simple” at “small” birthday celebration para sa kanyang ina na si former First Lady Imelda Marcos, sa Malakanyang.

Nag-post ang kanyang anak na si Michael Manotoc ng ilang mg larawan ng pagdiriwang sa Rizal Ceremonial Hall sa social media nitong Linggo. Hulyo 2 ang petsa ng kaarawan ng ina ng senador.

“We had a simple family and friends get together, just a small get together and her musical and arts scholars performed a small recital for her and she was very, very pleased,” pahayag niya.

“Well nag-merienda, nag-merienda lang. Syempre ‘yung nanay ko 93 na, ang tatanda na nun. ‘Pag sinabing party, parang yugyugan, hindi ganun kasi they are also ancient,” pagkumpirma niya.

“But yes, we had a get-together, very simple merienda with a small recital of old friends and scholars,” dagdag ng senador.

Subalit aniya, hindi umano pera ng pamahalaan ang ginamit para sa selebrasyon ng kaarawan ni Imelda.

“I don’t think that is the case,” she said. “I’m sure. Everyone brought food, as a matter of fact, that was quite funny,” giit ng senador.

“At saka libre naman lahat nung mga tumugtog. Bawal ba ‘yun? Hindi ko alam kasi nagbi-birthday party rin ako nung bata ako dun eh, bawal ba yun?” tanong pa niya.

Inilarawan ng senador ang ika-93 kaarawan ng kanyang ina bilang “very, very happy occasion”.

“Sabi nya: ‘I’m the happiest person in the world. Ako na ang naging nanay ng isang  presidente, na dating asawa ng isang presidente at buhay pa ako.’  Kaya nakakatuwa s’ya,”  paglalahad pa niya. RNT/SA