Imee Marcos: sigaw ang bagong opisina para sa disaster aid

Imee Marcos: sigaw ang bagong opisina para sa disaster aid

July 29, 2018 @ 1:55 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines- Sinigundahan ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumuo ng bagong ahensiya na tutuok sa disaster mitigation.

Sa isang statement, sinabi ni Marcos na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ay nagsisilbi lamang na “coordinating body hobbled by lack of budget support.”

“Disasters are a fact of life and we need more than a coordinating body,” sabi pa ni Marcos.

Bilang tugon, inaprubahan ng House committees on government reorganization and defense ang isang bill na nag-uutos sa paggawa ng Department of Disaster Resilience.

Nauna rito, ipinayag ng Pangulo sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong July 23 ang kaniyang pakiusap sa Kongreso na gumawa ng disaster mitigation agency. Remate News Team