Imelda Marcos nabanggit sa ‘The Crown’ Season 4 sa Netflix

Imelda Marcos nabanggit sa ‘The Crown’ Season 4 sa Netflix

November 15, 2020 @ 5:07 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nabanggit si Former First Lady Imelda Marcos sa ‘The Crown’ Season 4 sa Netflix.

“So, there we are in Manila, in the middle of a state banquet, when who barges into the room? None other than Imelda Marcos,” sabi ni Princess Margaret, pinakabatang kapatid ni Queen Elizabeth II na ginampanan ni Helena Bonham Carter.

Kinikwento nito ang naging pagbisita sa Pilipinas noong 1980.

“She makes a beeline straight for me, saying she’s desperate to show me her … wait for it …” kwento nito ngunit sumingit si Princess Anne, ang nag-iisang anak ng reyna.

“Shoe collection,” sagot ni Princess Anne na ginampanan ni Erin Doherty.

“Shell collection,” tugon ni Princess Margaret.

Nagpatuloy ang kwentuhan ng mga ito tungkol kay Marcos.

Ang ‘The Crown’ ay isang serye tungkol sa pulitika at buhay pag-ibig ni Queen Elizabeth II.

Unang itong pinalabas noong 2016. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...