CHR nababahala sa ‘censorship ng websites, pagpapasara ng SEC sa Rappler

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) nitong Huwebes hinggil sa censorship at inihayag nag “grave concern” ukol sa mga naging desisyon na i-block ang ilang website at bawiin ang setipikasyon ng news organization na Rappler.
“We caution against censorship or any move similar to it, which harms press freedom and results in a chilling effect that attempts to deter free speech and liberty of association under a democracy,” pahayag ng komisyon, na tinutukoy ang desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC)na i-block ang website ng progressive groups at news organizations na inaakusahan ni outgoing National Security Advisor Hermogenes Esperon Jr. na may kaugnayan sa “communist-terrorists,” at sa pagbawi ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa certificates of incorporation ng Rappler.
Binigyang-diin ng komisyon ang kahalagahan ng right to information, free speech, at expression ng mga indibidwal at iginiit na hangga’t hindi lumalabag sa batas ang paggamit nito ng isang indibidwal “any form of curtailment is undue and unjust.”
“Democracy thrives on the free exchange of ideas, including dissent and opposing opinions, that allows everyone to participate in shaping laws and policies for the general welfare of the people,” sabi ng CHR.
Dahil dito, umapela ang CHR sa pamahalaan na igalang at protektahan ang karapatang-pantao alinsunod sa Konstitusyon at sa international human rights standards.
“Silencing criticism and dissent only detracts from our shared goal of nation-building,” ayon sa komisyon.
“We reiterate that under a democracy the goal is to balance the respect, promotion, and fulfilment of the rights of all. Let us take part in healthy and responsive discourse with citizens across diverse sectors, as the right to truth—like the ostensible mission of journalism—must always be rooted in accountability, integrity, and objectivity,” dagdag nito. RNT/SA
9 sasakyan sa QC inararo ng trailer truck

MANILA, Philippines- Nasira ang siyam na sasakyan habang ilang motorista naman ang nasugatan nang mawalan ng preno ang trailer truck sanhi upang araruhin nito ang mga sinusundan kagabi sa lungsod ng Quezon.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Sheryl Mendoza, 38, nakatira sa No. 20 Washington St., Greenland Subd. Ph 1 Nangka Marikina City, driver ng Isuzu MU-X wagon (ACP 6215); Markus Christian Hernandez, 57, lawyer, naninirahan sa B2 L1 Kingpin St., Vermont Royal Mayamot Antipolo City, driver ng Toyota Fortuner (ABE 1357) at Melani Atanis, 52, residente ng No. 25 B Mejia St., Bonnie Serrano Road Libis Quezon City, driver ng Toyota Vios Sedan (TXZ 350).
Kabilang din sa aksidente sina Mark Anthony Fulgeras, 31, ng 52 B17 L9 Atlantic St., Exodus Santa Ana, Taytay Rizal, driver ng Toyota Corolla sedan (AAX 4728); Bonifacio Hular, 48, ng No. 59 Chico St., Luzon Ave., Purok 3, A Culiat, Quezon City, driver ng Mitsubishi L 300 (DAU 5037) at Darwin Pagaduan, 26, ng Bangag Cabanatuan City, Nueva Ecija, driver ng Isuzu Rebuilt Close Van (CBJ 6255),
Nasapol din ang minamanehong sasakyan nina Mario Francisco, 36, naninirahan sa 36 18th Ave., Murphy Cubao,QC. driver ng Toyota Avanza wagon (NAS 7080); Benie Sonbise, 38, gov’t employee, ng Area 1, Bukid Area St., Sta Ana Sun Valley Paranaque City, driver ng Toyota Vios sedan (XRD 115) at Alec Miguel Capco, 20, ng L1 B5 Dona Aurora, Executive Village, Santolan, Pasig City, driver ng Toyota Corolla sedan (NCL 1941).
Ayon kay Francisco, pauwi na raw sana sila Montalban kasama niya buong pamilya pati ang anak na edad 3, 13 at 15 na nakaupo sa likuran ng sasakyan nang mangyari ang aksidente.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, bandang 10:45 ng gabi (June 29), nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng FVR Road sa harapan ng Andoks Lechon Manok sa Barangay Libis, sa lungsod.
Minamaneho ng hindi pa nakilalang driver ang trailer truck na may plakang 416 sa kahabaan ng FVR Road galing sa Col. Bonnie Serrano Ave., patungong Marikina.
Pagdating sa Barangay Libis nawalan ng preno ang traT
at nasalpok ang sasakyan ni Pagaduan na naging domino effect nang magkakasunod na magkabanggaan ang mga nabanggit na sasakyan ng mga biktima.
Nasapol naman sa nakakabit na CCTV sa lugar ang mabilis na pagbaba ng hindi pa nakikilalang driver ng trailer truck na may plakang TEU 416 at tumakbo papatakas.
Dinala si Pagaduan at ang mga sakay niya sa sasakyan sa Medical City Hospital sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan.
Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang driver ng trailer truck habang inihahanda na ang reckless imprudence resulting in damage to properties with multiple physical injuries. Jan Sinocruz
LPA sa Northern Luzon isa nang tropical depression

MANILA, Philippines- Naging tropical depression na ang low-pressure area (LPA) sa silangan ng Northern Luzon at pinangalanang “Domeng,” ayon sa PAGASA nitong Huwebes.
Iniulat ng PAGASA na ang center ng tropical depression Domeng ay namataan 940 kilometro East of Extreme Northern Luzon hanggang nitong alas-3 ng hapon. Mayroon itong maximum sustained winds na 45 kilometers per hour malapit sa center at gustiness hanggang 55 kilometers per hour patungong northwestward sa bilis na 15 kph.
Magiging maulan sa mga probinsya ng Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan dahil sa trough monsoon at sa Southwest Monsoon.
Gayundin, ang monsoon at Southwest Monsoon ay magdudulot ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.
Sa natitirang bahagi naman ng bansa ay makararanas ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms brought about by the localized thunderstorms.”
Inaasahan din ang moderate to strong winds at coastal waters sa northern at western sections ng Luzon habang sa natitirang bahagi naman ng bansa ay magiging light to moderate ang hangin at slight to moderate ang coastal water conditions.
Inilahad pa ng PAGASA na ang tropical depression “Caloy” ay naging tropical storm na tinatawag na ngayong “Chaba” matapos lumabas sa Philippines Area of Responsibility ngayong Huwebes. RNT/SA
Ex-congressman Ruffy Biaxon nanumpa bilang alkalde ng Muntinlupa

MANILA, Philippines- Pormal nang nanumpa and bagong halal na mayor ng Muntinlupa City na si dating Congressman Ruffy Biazon kahapon kay Executive Judge Myra Quiambao kasama pa ang ibang halal na opisyal sa nakaraang May 9 local election.
Ang panunumpa ni Biazon kasama ang dating mayor na ngayom ay Congressman ng lungsod na si Jaime Fresnedi, Vice-Mayor Artemio Simundac at mga konsehal ay isinagawa sa Filinvest Tent, Alabang, Muntinlupa.
“Together, in this transition, we are putting into place political reforms that we hope future public servants will also advocate and pursue. Through this initiative, we aim to leave behind the outdated, obsolete and overdue brand and style of politics and replace it with one that exemplifies professionalism, principles and proactivity,” pahayag ni Biazon.
Sa pahayag ni Bizaon ay kanyang isusulong sa ilalim ng kanyang administrasyon ang Mayor’s Action Center, one-stop-shop para sa mga pangunahing serbisyo gaya ng medical assistance, burial and iba pang serbisyo para sa mamamayan ng Muntinlupa.
“Maaaring may mga pagkakaiba tayo sa pinanggalingan, kaugalian at pananaw. Pero dapat tayo ay nagkakaisa sa hangarin na i-angat ang ating mga kababayan at ang ating lungsod. Sa ating pagkakaiba-iba, tayong lahat ay pare-parehong Muntinlupeño na ang pangarap ay magkaroon ng mapayapa, maayos at maginhawang buhay,” dagdag pahayag ni Biazon. James I. Catapusan
GILAS TAMBAK SA TALL BLACKS

MANILA, Philippines – Nalasap ng Gilas Pilipinas ang mapait na pagkatalo kontra Tall Black ng New Zealand, 106-60, sa kanilang unang laban sa 3rd window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Auckland, New Zealand.
Ginamit ng Tall Blacks ang matinding sigwada sa first half, kung saan agad nilang dinurog ang national team at nilimitahan ang Gilas sa walong puntos kontra sa 24 sa unang quarter at tapusin ang half sa iskor na 47-21. Humabol ang Gilas, 23-13, sa opening frame.
Matapos ang nakadidismayang first half, naging agresibo ang national team at nagpakita ng impresibong laro sa third quarter kung saan umiskor ang Gilas ng 22 points, pero nanatiling malakas ang New Zealand at hinawakan ang 73-43 na kalamangan sa payoff period.
Samantala, ipinagpatuloy ng Tall Blacks ang kontrol sa laro na nagresulta sa pagtipa nila ng kanilang ikaapat na panalo sa torneo.
Sa nakaraang window ng qualifiers, tinalo rin ng New Zealandad ang Gilas, 88-63.
Dahil sa pagkatalo, nalugmok ang Gilas sa kartadang 1-2 sa tournament at babalik sila sa bansa upang sagupain naman ang higanteng team ng India sa Linggo ng gabi sa Mall of Asia Arena.
Target ng Gilas na talunin ang India.RICO NAVARRO