Immaculate Conception Davao grad namayagpag sa November 2022 pharmacist licensure exam

Immaculate Conception Davao grad namayagpag sa November 2022 pharmacist licensure exam

November 16, 2022 @ 9:20 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanguna ang graduate ng University of the Immaculate Conception sa Davao sa pharmacist licensure examination na isinagawa nitong buwan ng Board of Pharmacy.

Sa nasabing pagsusulit na pinangasiwaan ng Manila,Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga, 3,828 ang examinees habang 2,390 naman ang nakapasa.

Nakakuha ng 92.65% ang topnotcher na si Ritch Joshua Dela Cerna Villadarez ng Immaculate Conception Davao, na sinundan ni Honey Lynn Magtoto Isip ng University of Santo Tomas na may score na 92.55%.

Itinanghal naman na best-performing school na may 50 o higit pang examinees ang Saint Louis University, na may 107 sa 111 test takers na nakapasa. RNT/SA