Immunity ‘di pa ‘substantial’ hanggat wala pang ‘same vax rates’ lahat ng rehiyon – DOH

Immunity ‘di pa ‘substantial’ hanggat wala pang ‘same vax rates’ lahat ng rehiyon – DOH

December 7, 2021 @ 1:26 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Hindi pa masabi ng Department of Health (DOH) kung ‘substantial’ na ang immunity sa COVID-19 hanggat makamit ng lahat ng rehiyon ang pantay-pantay na vaccination rates, batay sa ulat.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa kasalukuyan ay magkakaiba pa ang bilang ng mga bakunado sa bawat rehiyon.

“Hindi patas-patas ang nababakunahan. Dito sa National Capital Region, they were able to achieve already ‘yung 70% na target natin pero sa ibang regions po mababa pa rin.”

“So hindi natin masasabi pa rin sa ngayon hangga’t hindi pantay-pantay ang achievement ng mga region, if it is substantial enough to protect our whole country or the whole population from the COVID-19 virus,” lahad pa nito.

Ang naturang pahayag ay makaraang sabihin ng OCTA na makakamit na ng Pilipinas ang ‘substantial level of immunity’ dahil sa mababa na ang bilang ng COVID sa bansa.

Sa ngayon, nasa 38.1 milyong Pilipino na ang ‘fully vaccinated’ laban sa COVID.

“Pero tandaan po natin na ang ating total population is about 110 million. Kapag tinanggal natin ‘yung kabataan diyan ‘yung 0 to 11 years old… meron ka parin 90 million na gusto mo targetin para substantial talaga ‘yung mga nabakunahan dito sa ating bansa.” RNT/FGDC