Immunity sa COVID-19 tatagal ng 5 buwan – pag-aaral

Immunity sa COVID-19 tatagal ng 5 buwan – pag-aaral

January 14, 2021 @ 10:41 AM 5 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Batay sa isang pag-aaral tatagal ng limang buwan ang immunity ng isang taong gumaling sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ay batay sa paunang resulta ng pag-aaral sa Public Health England (PHE).

Natuklasan din na 44 kaso lamang ng 6,614 mga gumaling na sa sakit ang muling nagpositibo sa COVID-19.

“We now know that most of those who have had the virus, and developed antibodies, are protected from reinfection, but this is not total and we do not yet know how long protection lasts,” saad ni Susan Hopkins, senior medical adviser sa PHE at co-leader ng pag-aaral.

“This means even if you believe you already had the disease and are protected, you can be reassured it is highly unlikely you will develop severe infections. But there is still a risk you could acquire an infection and transmit (it) to others,” aniya.

Ngunit sa pag-aaral na ito, hindi kasama ang antibody o iba pang immune responses sa bakunang kasalukuyang pinamamahagi na. Mula sa ulat ng Reuters


  •  
  •  
  •  

Loading...