Impact ng holiday season sa kaso ng COVID, malalaman hanggang katapusan ng Enero

Impact ng holiday season sa kaso ng COVID, malalaman hanggang katapusan ng Enero

January 13, 2021 @ 7:30 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Malalaman pa lamang ang impact ng holiday season sa darating na mga linggo o hanggang katapusan ng buwan ng Enero, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa DOH, sa katatapos pa lamang na holiday season, masyado pang maaga para makita o madetermina ang trend ng mga kaso ng COVID-19  kung ito ay tumaas sa karaniwang iniuulat na bilang ng kaso ngayon.

Sa ngayon, ang overall utilization rate ng COVID-19 ay low risk, ayon pa sa DOH.

Ang health capacity ay hindi rin overwhelmed ngunit sinabing ayaw na na ng ahenysa na mangyari pa ito kaya naman ipinatutupad ang iba’t ibang measures tulad ng travel restrictions at strict quarantine. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •  

Loading...