Implementasyon ng NCAP sa buong Pinas aprub sa MMDA exec

Implementasyon ng NCAP sa buong Pinas aprub sa MMDA exec

August 16, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sa kabila ng mag reklamo mula sa operators, inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) official nitong Martes ang suporta para sa nationwide implementation ng no-contact apprehension policy.

“Mas mabuti po kung nationwide po i-implement ito. Lahat ng siyudad po ay kung i-implement ito mas mabuti nang para sa ganun uniform tayo,” ani MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija sa isang public briefing.

Iginiit ng Land Transportation Office (LTO) nitong Lunes ang panawagan sa local government units sa National Capital Region na pansamantalang suspendihin ang mplementasyon ng polisiya sa kabila ng mga pangamba.

Umapela si LTO chief Teofilo Guadiz III sa mga alkalde ng Manila, Quezon City, Parañaque City, Valenzuela City at Muntinlupa City na makipagpulong sa LTO at MMDA upang lumikha ng uniform guidelines.

Ilang alkalde na ang naghayag ng kanilang oposisyon sa panukalang suspensyon ng polisiya.

Bagama’t ang no-contact apprehension policy ay nakatutulong sa traffic enforcers sa pagsita sa vilators, sinabi ni Nebrija na kinakailangang talakayin sa stakeholders ang mga isyu.

Ayon sa LTO, isa sa “most hotly contested aspects” sa polisiya ay ang pagmumulta kung saan ang registered owners ng mga sasakyan ang nagbabayad sa traffic violation.

Inirereklamo ng mga operator ng public utility vehicleang pagmumulta para sa traffic violations ng mga driver.

Naghain naman ang apat na transport groups ng petisyon sa Supreme Court, na hinihiling na suspendihin ang no contact apprehension dahil sa ito umano ay unconstitutional at invalid, base sa LTO said. Kabilang ang LTO sa respondent sa petisyon. RNT/SA