Implementasyon ng single ticketing system sa NCR, posibleng ikasa sa Q1 2023

Implementasyon ng single ticketing system sa NCR, posibleng ikasa sa Q1 2023

January 24, 2023 @ 6:48 PM 7 days ago


MANILA, Philippines- Umaasa ang Metropolitan Manila Development Authority na maipatutupad sa National Capital Region ang single ticketing system para sa traffic violations sa unang quarter ng 2023, ayon sa opisyal nitong Martes.

Bibigyang-daan ng sistema ang standard fines para sa 20 common violations, kabilang ang pagbalewala sa traffic signs, beating the red light, at counterflow, ayon sa mga awtoridad.

Inaprubahan ng technical working group ng Metro Manila Council ang traffic code na nagsusulong ng single ticketing system at hinihintay na lamang na maaprubahan ng mga alkalde ng rehiyon, ayon kay MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Victor Nuñez. 

“We are very hopeful that within the first quarter of this year, the Metro Manila traffic code, with the single ticketing, which also aims to interconnect the 17 LGUs of Metro Manila to LTO, [will be implemented],” aniya sa House Committee on Transportation meeting. 

Papayagan sa bagong ticketing system ang violators na makapagbayad sa pamamagitan ng digital payment channels, naunang inihayag ng Metro Manila Council (MMC).

Isasama ng Metro Manila ang sistema nito sa Land Transportation Office (LTO), para makita ng mga awtoridad kung gaano karaming violations ang nagawa ng motorista, na magsisilbing basehan para sa “demerit points”, ani San Juan Mayor Francis Zamora, pinuno ng MMC. 

Nauna nang sinabi ng alkalde na pwedeng kumpiskahin ng mga awtoridad ang lisensya ng motorista kapag nagkaroon ng 10 demerit points.

“The Secretary issued a memorandum addressed to all local government units that local government units, their traffic officers don’t have authority to confiscate driver’s license. We also issued our legal opinion, that as provided under the LTO code it is only the LTO and their deputized agents which can confiscate driver’s license,” pahayag naman ni DILG lawyer Ralph Ifurung.

“Local government units…can still issue traffic citation tickets, but as to the confiscation of the drivers license, it’s only the LTO which has the authority to do so,” patuloy niya. RNT/SA