Import na babaero

Import na babaero

December 8, 2021 @ 2:02 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Bulong-bulungan ang import na ito dahil sa pagiging mahilig sa chicks kahit pa kung titignan mo siya ay isang maanong tupa.

Ang totoo niyan mabait naman talaga ang kano, lalo na pagdating sa mga batang paslit na namamalimos sa lansangan.

Kapag may nadaanan pa nga  itong mga naglalaro ng basketball sa kalye ay binababaan ng import ang mga bata para makipaglaro siya.

Yun nga tampulan siya ng tukso ng kanyang mga teammates o kapwa players nito kung sino na naman ang magiging bagong nobya dito sa Pinas.

Kasi kada-balik ng import sa bansa ay iba iba ang nagiging jowa. Wala naman siyang pinakakasalan.

May naanakan pa nga umano itong babae dito sa Pinas na naghabol sa kanya. Ang kainaman naman sa import kinikilala niya yung naging anak sa ex-gf.

Sino naman kaya ang ipaparada ng sikat na import ngayon balik laro siya sa sikat na team.HULA WHOOPS? Dwayne Rituel