Importasyon, eksportasyon ng mga baril, pampasabog tututukan ng BOC

Importasyon, eksportasyon ng mga baril, pampasabog tututukan ng BOC

October 13, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bumuo ang Bureau of Customs (BOC) ng isang unit na ta-target sa mga inilalabas at ipinapasok na baril at pampasabog sa bansa.

Ayon sa inilabas na pahayag ng BOC, kabilang sa imomonitor ng bagong tayo na Customs Firearms and Explosives Unit (CFEU) ay magiging parte ng Enforcement Security Service (ESS) kung saan babantayan din nito ang mga paglabas pasok ng mga major at minor parts ng mga baril, accessories n ito, mga bala, paputok at iba pang mga chemical na posibleng magamit na sangkap sa mga ito.

“The CFEU is an ad interim unit that will effectively monitor the importation and exportation of firearms and major/minor parts thereof, accessories, ammunition, and controlled chemicals used in manufacturing ammunition, firecrackers, and explosives under Presidential Decree No. 1866,” saad ng BOC.

Kabilang din sa trabaho ng CFEU ay ang pagpapatupad ng policies and procedure ng Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions and Providing Penalties for Violation Thereof.

“Selected personnel of the Enforcement and Security Service (ESS) assigned at the 17 ports of entry will be assigned as contact persons to coordinate and work closely with the CFEU in the accomplishment of the unit’s objectives,” dagdag pa ng BOC.

Kabilang naman ang pagtatayo ng explosives unit sa pitong priority program ni Custom Commissioner Yogi Filemon Ruiz base na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para matuldukan ang smuggling sa bansa at matiyak ang proteksyon ng publiko. JAY Reyes