Importasyon ng 21K MT sibuyas, ipinatitigil

Importasyon ng 21K MT sibuyas, ipinatitigil

January 23, 2023 @ 11:38 AM 5 days ago


MANILA, Philippines- Isang resolusyon ang inihain ng Makabayan Bloc sa Kamara na humihiling na suspendihin ang nakatakdang pag-aangkat ng bansa ng 21,060 metric tons ng sibuyas.

Sa inihaing House Resolution No 18, sinabi ng Makabayan Bloc na walang dahilan para mag-angat ang bansa ng sibuyas taliwas sa katwiran ng administrasyon na kailangan nang mag-import dala ng kakapusan ng supply.

“Contrary to the supposed supply problem in onions being projected by the Marcos Jr. administration, price manipulation, profiteering, and hoarding of onions by cartels and large traders cause the soaring prices of onions in the market,” nakasaad sa resolusyon.

Giit ng mga mambabatas na dapat pakinggan ng administrasyon ang apela ng mga magsasaka partikular sa San Jose, Occidental Mindoro na isantabi muna ang pag-iimport dahil mayroong harvest season na paparating.

Nangangamba ang mga magsasaka na kung darating na ang tone toneladang inimport na sibuyas at tiyak na mabubulok at mawawalang kita naman ang mga magsasaka dahil masasayang ang maa-ani nitong sibuyas.

“Relying on importation as supposedly a means to control prices and address the gap in supply contradicts the long-term interests of the people for agricultural local production development,” katwiran pa ng Makabayan Bloc.

Matatandaan na una nang dinepensahan ni Pangulong Bongbong ang pag-iimport ito ay para punan ang malaking demand sa sibuyas. Gail Mendoza