Importasyon ng  440,000MT asukal,  tuloy na

Importasyon ng  440,000MT asukal,  tuloy na

February 16, 2023 @ 3:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tuloy na tuloy na ang pag-angkat ng 440,000 metriko tonelada ng refined sugar para  sa pagkonsumo at  buffer stock.

Ito ang nakasaad sa dokumentong inilathala ng Sugar Regulatory Administration (SRA) website, Sugar Order (SO) No. 6,  ipinalabas noong Pebrero 15, nilagdan ni Administrator David John Thaddeus Alba, SRA board members Mitzi Mangwag (kumakatawan sa  millers) at Pablo Luiz Azcona (kumakatawan sa planters), at Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban.

“Malacañang sent the order back,” ayon kay Azcona sa isang panayam  sabay sabing  “as far as I know once Malacañangreturns it to us, it is considered approved.”

Ang Pangulo bilang agriculture chief, ay chairman ng sugar board.

HIndi naman malinaw kung lumagda si Panganiban sa kautusan “on behalf of the president.”

Base sa  SO, 200,000 MT  ng imported na asukal ay para sa mga consumers o mamimili at ang  240,000 MT  naman ay magsisilbi bilang two-month buffer stock.

Ang suplay ay darating sa bansa ng tatlong tranche,  kung saan ang unang 100,000 MT  ay inaasahan na darating sa lalong madaling panahon, ang susunod na  100,000 MT ay darating bago ang Abril 1, at ang batch para sa  buffer stock matapos ang  second tranche.

Tinuran ni Azcona  na iginiit ng mga economic adviser na ang first batch ay darating sa lalong madaling panahon  para tuldukan ang espekulasyon na kakapusan sa suplay ng asukal.

“What is going on right now is there is just an urgent need to temper the retail prices for the consumers, at the same time ensuring that the farmers get a very fair price,” ang paliwanag nito.

Batay sa pinakabagong price monitoring ng  Department of Agriculture (DA) ang isang kilogram ng  refined sugar sa mga  Metro Manila market ay nagkakahalaga ng  ₱87 hanggang ₱110.

Winika ni Azcona  na tinitingnan ng SRA ang retail price na ₱85 sa oras na ang  imported commodity ay naipalabas na sa merkado.

Mangyayari lamang ito matapos na ang imported supply, sa simula ay  classified bilang  “C,” o” reserved upon its arrival”, ay ire- reclassify ng sugar board bilang “B” para sa  consumer use.

“Meanwhile, the 240,000 MT will remain as buffer stock and will only be released once the inventory and everything are deemed proper,” ayon kay Azcona.

Para sa crop year 2022-2023, tinuran ni Azcona  na  ang pagtataya ng SRA sa  produksyon ay 1.8 million MT, bahagyang mataas sa nakalipas na taon na  1.79 million MT lamang.

Gayunman, mababa naman ito mula sa initial projection  1.9 million dahil sa pag-ulan na labis namang nakaaapekto sa mga pananim.

Tinukoy din nito ang concern ng SRA na 200,000 hanggang 250,000 tonenalada ng tubo ay maaaring “unmilled” ngayong taon matapos magsara ang milling facility sa Batangas. Kris Jose