Importasyon ng asukal tuloy, listahan ng importers isumite

Importasyon ng asukal tuloy, listahan ng importers isumite

September 6, 2022 @ 9:25 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban na tuloy na ang importasyon ng bansa ng may 150,000 metric tons ng asukal at mayroon na itong pahintulot mula kay Pangulong Bongbong Marcos.

Sa budget briefing na isinagawa ng House Committee on Appropriations sinabi ni Panganiban na ang 75,000 metric tons na iaangkat ay para sa local market consumption habang ang kalahati ay para sa beverage industry.

Sinabi ni Panganiban na ang go signal importasyon para tugunan ang pangangailangan ng commercial industry.

“That will be more than sufficient for the September, October, and November season. The amount that we have to need in 2023 has to be properly looked at by the Sugar Regulatory Administration (SRA),” paliwanag ni Panganiban kung saan inamin nito na inihahanda na ng Sugar Regulatory Administration(SRA) ang listahan kung sino ang papayagan na importer.

Sa naganap na pagdinig inatasan ni Iloilo Rep Janet Garin ang Deparment of Agriculture(DA) na magsumite ng listahan ng mga importers ng asukal sa nakalipas na 5 taon upang makita kung sino sino ang mga pinapayagan lamang na mag-import.

” we want to see the authorized sugar importers in the past five years so that the committee could determine if they were regular players in the sugar industry”pahayag ni Garin.

Ang direktiba ni Garin ay kasunud na rin ng hiling ni Albay Rep Edcel Lagman na dapat transparent at alam ng publiko ang mga importers.

Hindi naman pabor si Panganiban na pahintulutan na lamang ang lahat ng kwalipikadong indibidwal at enterprise na mag angkat ng asukal basta’t papatawan ito ng taripa.

Aniya,ang direksyong tinitingnan ni Acting Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator David Alba ay payagan lamang na mag-import ang mga kumpanya na kasulukuyang nasa trade tulad ng beverage companies ngunit para sa pribadong sektor at sa local market, ay kailangan pa din na idaan sa public bidding. Gail Mendoza