7 Chinese crew nailigtas sa Samar

January 27, 2023 @6:12 PM
Views: 7
MANILA, Philippines – Ipinadala ng Philippine Coast Guard ang BRP Cabra (MRRV-4409) upang iligtas ang pitong Chinese crew sakay ng isang fishing vessel sa baybaying sakop ng Suluan Island, Guiuan, Eastern Samar, ngayong Byernes, Enero 27.
Ayon sa PCG, nakatanggap ito ng ulat kaugnay sa Chinese fishing vessel na FV KAI DA 899 na nasiraan.
Agad namang sinaklolohan ng PCG ang dayuhang barko, at ipinadala ang BRP Cabra (MRRV-4409) upang magsagawa ng search and rescue operation.
Matapos matiyak na ligtas ang mga crew at matiyak na lahat ay nasa maayos na kondisyon ay saka hinatak ang FV KAI DA 899 payungong Tacloban Port. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Paghikayat sa mamumuhunan kailangan sa increased economic activities – PBBM

January 27, 2023 @5:59 PM
Views: 10
MANILA, Philippines – Nagpahayag nang labis na kasiyahan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 7.6 % annual growth ng Pilipinas para sa taong 2022.
Binigyang diin ng Pangulo na ang major thrust ng kanyang administrasyon ay ang makapanghikayat ng foreign investments para mapanatili ang growth rate at development ng bansa.
“We are happy to receive the news that our growth rate for the year 2022 exceeded all expectations even by the estimates of the international financing institutions and we are holding at 7.6 percent,” ayon sa Pangulo sa isang kalatas.
“However, for 2023, we still have the problem of inflation which means there is still a problem of certain sectors of society and of the economy, [who] have yet to enjoy the benefits of that growth. And that’s why inflation is something that we are attending to,” dagdag na wika ng Pangulo.
Umaasa naman ang kanyang administrasyon na sa pagtatapos ng 2nd quarter, ang inflation rates, lalo na para sa agricultural products ay bababa.
Kumpiyansa namang ipinahayag ng Punong Ehekutibo na ang inflation rate ay bababa ng 4% sa 3rd o 4th quarter ng taong kasalukuyan base na rin sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
“We must maintain, however, that growth rate and that is why it has become so important for us to go out and to attract investment into the Philippines because that is the only way for economic activity to increase and therefore to grow the economy,” ayon kay Pangulong Marcos.
“So I think that we are headed in the right direction. We still have some interventions that we will have to apply. But nonetheless, we are weathering the shocks on the international economic situation and we are starting to see that the economy is moving in the correct direction,” ang paliwanag ng Pangulo.
Nauna rito, iniulat naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang Pilipinas ay nakapagtala ng 7.6 percent full-year growth noong 2022, pinakamataas sa loob ng 46 taon simula ng makapagtala ang bansa ng 8.8% growth noong 1976.
“The Philippine Gross Domestic Product (GDP) posted a growth of 7.2 percent in the 4th quarter of 2022, resulting in a 7.6 percent full-year growth,” ayon sa report ng PSA.
Ayon sa PSA, kabilang sa main contributors sa 4th quarter 2022 growth ay ang wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles, 8.7 percent; financial and insurance activities, 9.8 percent; and manufacturing, 4.2 percent.”
“Among the major economic sectors, Industry and Services posted positive growths in the 4th quarter of 2022 with 4.8 percent and 9.8 percent, respectively,” ayon sa PSA.
“The industries which contributed the most to the annual growth were: wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles, 8.7 percent; Manufacturing, 5.0 percent; and Construction, 12.7 percent,” ayon pa rin sa PSA. Kris Jose
Drug case ni De Lima posibleng maresolba na sa Marso – kampo

January 27, 2023 @5:46 PM
Views: 12
MANILA, Philippines – Posibleng maresolba na ang drug case ni dating Senador Leila de Lima pagsapit ng Marso.
“We’re looking at our possible timeline na Marso matapos lahat. Halos magkasabay,” ayon kay Atty. Filibon “Boni” Tacardon sa panayam kasunod ng pagdinig ng kampo sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204.
Nahaharap si De Lima sa tatlong reklamo ng conspiracy to commit illegal drug trade kung saan ang isa ay ibinasura noong Pebrero 2021 dahil sa mahinang ebidensya.
Nakakulong ang dating Senador mula pa noong Pebrero 2017.
“Practically, ang nangyari lang ay nanood lang kami ng video ngayong umaga. Walang nangyaring pagtatanungan,” sinabi pa ni Tacardon, dagdag pa ang pagsasabi na posibleng matapos na ang cross-examination sa susunod na pagdinig.
Ang susunod na hearing sa naturang reklamo ay gaganapin sa Pebrero 10 at 24.
Samantala, ang pagdinig ni De Lima sa iba pang kaso sa Muntinlupa RTC Branch 256 ay gagawin sa Enero 30 at Pebrero 6.
“At pagkatapos noon, dahil nakasampa ‘yung aming motion for bail, inaasahan namin ito’y ma-resolba na,” pahayag ni Tacardon.
“So uulitin ko, hindi namin sinasara ang pintuan sa habeas corpus petition pero to be candid, kahit si Senator Leila de Lima ay naka-focus lang talaga sa kanyang bail application sa kasalukuyan,” dagdag niya.
Kaugnay ito ng pagkakaloob ng Korte Suprema ng writ of habeas corpus sa paglaya ni Jessica Lucila “Gigi” Reyes, dating chief of staff ni dating senator at ngayon ay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, kaugnay ng plunder at graft case laban sa kanya.
Ang writ of habeas corpus ay ang proteksyon ng akusado laban sa illegal imprisonment.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, posibleng pwede rin sa kaso ni De Lima ang ganitong pamamaraan.
Sa kabila nito, sinabi naman ni Tacardon na tinitingnan pa nila ang posibiliadd na ito.
“Tinitignan namin ito kung ito’y pasok sa naging condition at circumstances ni Senator Leila De Lima. Para sa amin, hindi lang ‘yung tagal ng kanyang pagkakakulong ang aming dapat isaalang-alang kung babasahin natin ‘yung resolution,” aniya. RNT/JGC
Paggamit ng confidential fund sa insidente ng school violence ‘di nararapat – DepEd

January 27, 2023 @5:33 PM
Views: 12
MANILA, Philippines – Hindi umano nararapat na gamitin ang confidential fund ng Department of Education sa pinakahuling mga insidente ng karahasan sa mga paaralan.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, ang confidential funds ay nakalaan para sa mga tukoy na aktibidad ayon sa joint circular ng budget department.
“Hindi po siya akma sa mga sitwasyon na biglang may dalang panaksak for example ang isang learner sa school,” ani Poa sa panayam ng TeleRadyo.
“Ito pong pag-obtain ng intelligence ay para po sa mga concerted activities or illegal activities na hinihimok ‘yung ating mga learners to join mga criminal activities or terrorist groups,” dagdag pa niya.
Kailangan umanong sundin ng DepEd ang panuntunan nila para rito at hindi pwedeng basta-basta na lamang gagamitin ang confidential fund para tumugon sa ganitong mga insidente.
“And all these things, even under the guidelines, should be done in collaboration with the law enforcement agencies,” pagbabahagi pa ni Poa.
Matatandaan na nauna nang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ang P150 milyon na confidential fund ay nakalaan sa pagsugpo ng mga illegal na aktibidad target ang mga estudyante.
Samantala, para matugunan naman ang mga nakaraang insidente ng karahasan sa mga paaralan, sa halip ay dapat paigtingin ang kampanya sa mental health.
“Dito po sa ating mga insidente recently, these are situations na talagang kailangan more on security and mental health issues,” aniya. RNT/JGC
KC, namalengke, nangamote sa pag-Tagalog!

January 27, 2023 @5:30 PM
Views: 19