Impostor ng TESDA, isinumbong sa NBI

Impostor ng TESDA, isinumbong sa NBI

November 23, 2022 @ 11:07 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Dumulog ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa National Bureau of Investigation (NBI) at National Privacy Commission para sa agarang imbestigasyon kaugnay sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng mga opisyal at tauhan nito.

Nauna nang nagbabala ang TESDA sa publiko laban sa mga hindi awtorisadong paggamit ng pangalan ni TESDA Director General Danilo P Cruz o sinuman sa kanilang opisyal upang mag-solicit ng pera sa mga programa at serbisyo.

Napag-alaman ng TESDA na ilang indibidwal ang gumagamit ng ilang mobile number na nagagawang kumbinsihin ang publiko na magpadala ng P25,000 sa isang GCash account kapalit ng TESDA skills training.

Pinayuhan din ng TESDA ang publiko na manatiling mapagbantay at mag-ulat ng mga katulad na mapanlinlang na aktibidad sa pamamagitan ng contactcenter@tesda.gov.ph at 8887-7777.

Ang pagdulog ng TESDA sa NBI at NPC ay upang matukoy ang mga scammers at mapatawan ng karampatang parusa.
Jocelyn Tabangcura-Domenden