Ina lumutang sa dagat sa seashell

Ina lumutang sa dagat sa seashell

June 10, 2022 @ 2:04 PM 2 weeks ago


CAPIZ –Hindi inakala ng isang ina na ang pamumulot niya ng seashell sa dagat ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan matapos malunod, Huwebes sa bayan ng President Roxas ng lalawigan ito.

Kinilala ang biktimang si Maria Fatima Villeza, 56-anyos, at residente sa Sitio, Pantalan, Barangay Viscaya, ng nasabing bayan.

Batay sa report ng President Roxas Municipal Police Station, nakita na lamang ng kanyang live-in partner na si Melindo Doce, na nagpalutang-lutang sa dagat ang biktima at walang buhay.

Ayon kay Doce, nagpaalam si Villeza na mangunguha ng mga ‘bagongon’ uri ng seashell para mayroon silang pang-ulam.

Hinala ng kaanak posibleng inabot ng high tide ang biktima at napunta ito sa malalim na bahagi ng tubig dahilan para malunod.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico