Ina, may payo kay Erika sa pakikipag-split kay Kobe!

Ina, may payo kay Erika sa pakikipag-split kay Kobe!

March 3, 2023 @ 6:00 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Simple lang ang payo ni Ina Raymundo sa kanyang anak na si Erika: huwag magpakaseryoso sa lalaki.

Ayon sa aktres, tapos na raw ang maliligayang araw ng anak at ni Kobe Paras.

Tinapos na raw nina Erika at Kobe ang kanilang relasyon dahil hindi umubra ang layo nila sa isa’t isa o LDR or long distance relationship.

Si Kobe ay isa sa dalawang anak ni Benjie Paras kay Jackie Forster, the other being Andrei.

Ayaw idetalye ni Ina ang nagwakas nang relasyon ng anak dahil mahigpit daw siyang pinagbabawalan ni Erika.

Basta ang payo lang daw niya kay Erika, never get seriously involved with any guy.

Katwiran ng seksi pa ring aktres despite her age, marami pa raw mga makikilalang lalaki si Erika.

Samantala, hindi pa gaanong nagsi-sink in sa kamalayan ni Ina na kasama niya ang Superstar na si Nora Aunor sa pelikulang Pieta.

Honored din si Ina that she also gets to work with Gina Alajar.

Tinawag naman niyang favorite ang direktor nitong si Adolf Alix.

Ang nakakatawa lang kay Ina ay kung sino pa ang hindi cast member ng nasabing pelikula ay ‘yun ang nami-miss niyang makatrabaho.

Ang tinutukoy ni Ina ay si Jaclyn Jose na kahit cameo role ay walang partisipasyon sa Pieta. Ronnie Carrasco III