Ina na kontra sa relasyon kinatay ng anak na dalagita, nobyo

Ina na kontra sa relasyon kinatay ng anak na dalagita, nobyo

May 15, 2022 @ 11:23 AM 1 month ago


NEGROS OCCIDENTAL- Hindi inakala ng isang ina na ang tanging hangad lamang ay mapabuti ang kalagayan ng anak na dalagita, na siya pa ang papatay sa kanya matapos siyang pagtulungang pagtatagain ng sariling anak at nobyo, Biyernes sa probinsyang ito.

Kinilala ang biktimang si Tessie Esparagoza, 44-anyos at residente sa Barangay Sag-ang, La Castellana Negros Occidental.

Nadakip naman ang anak ng biktima at nobyo nito na kapwa 17-anyos lamang at residente sa nasabing lugar.

Batay sa report ng La Castellana, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito na tadtad ng saksak at taga sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya nadakip ang mga suspek at inamin ang krimen.

Bago ang krimen una na nilang nilason ang biktima subalit hindi ito tumalab kaya itinaon nilang himbing itong natutulog saka isinakatuparan ang karumal-dumal na krimen.

Nabatid, na nagtanan ang mga suspek subalit binawi ng kanyang ina ang dalagita at inuwi sa kanilang bahay.

Kasalukuyan nasa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development ang mga suspek at inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito. Mary Anne Sapico