Ina na pumatay ng 5 anak, patay sa euthanasia

Ina na pumatay ng 5 anak, patay sa euthanasia

March 4, 2023 @ 10:15 AM 3 weeks ago


BELGIUM – Patay sa euthanasia ang isang ina ilang taon makaraang pagpapatayin nito ang lima niyang sariling anak sa bansang ito noong 2007.

Nitong Pebrero 28, 2023 isinagawa ang pagpatay kay Genevieve Lhermitte bilang simbolo ng kanyang krimen.

Pinatay ni Lhermitte ang lalaki at apat na babaeng anak niya noong Pebrero 28, 2007 habang wala sa kanilang tahanan ang mister nito.

Agad naman itong nahuli ng mga pulis at pinarusahan ito ng korte ng parusang habambuhay na pagkabilanggo.

Simula noong nabilanggo ito, pinagtangkaan na rin niya ang kanyang buhay ngunit naligtas siya subalit palagi na nitong hinihiling ang pagpatay sa kanya sa bisa ng euthanasia o mercy killing.

Umiiral ang batas sa euthanasia sa Belguim at ipinagkakaloob ito sa mga taong humihingi nito para mawakasan na ang kanilang labis na paghihirap sa sakit o sakit sa kalooban.

Nitong 2022, may 1,966 na pinatay ayon sa kanilang kahilingan ngunit dumaan sa matinding pagsusuri ng mga eksperto at pamahalaan.

Karamihan sa mga ginawaran nito ang mga may malalalang sakit gaya ng cancer, bata man o matanda. FRED CABALBAG