Ina ng kapitan sawi sa nagliyab na fast craft vessel – PCG

Ina ng kapitan sawi sa nagliyab na fast craft vessel – PCG

May 24, 2022 @ 12:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kabilang ang ina ng kapitan ng MV Mercraft 2 ang nasawi sa nasunog na fast craft vessel sa Quezon nitong Lunes, ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Armand Balilo nitong Martes.

Batay sa ulat, sinabi ni Balilo na nakaligtas naman ang ama ng kapitan.

“Hawak namin yung kapitan. Yung report, namatay yung kanyang nanay at yung kanyang ama ay nakaligtas na kasama niya ring bumiyahe,” aniya.

Nauna nang kinilala ng PCG earlier ang boat captain na si John Lerry Escareces. Kabilang sa pitong kinilalang nasawi si Charito Escareces, 57 taon.
Nagliyab ang MV Mercraft 2, na may rutang Polillo-Real-Polillo sa dagat sa Quezon nitong Lunes ng umaga.

Sakay nito ang 134 indibidwal kabilang ang 126 pasahero at walong crew members.

Ayon kay Balilo, 24 indibidwal ang sugatan sa insidente, at tatlo sa mga ito ang kritikal.

“Nakausap ko na po namin yung may-ari at ang alam ko meron nang inisyal na tulong na ginagawa,” pahayag ng opisyal. RNT/SA