Ina ni Bea, ibinida ang mga regalo ni Dom!

Ina ni Bea, ibinida ang mga regalo ni Dom!

January 12, 2023 @ 1:19 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Sino’ng maysabing hindi boto ang ina ni Bea Alonzo na si mommy Mary Anne, sa nobyo ng anak na si Dominic Roque?

Ang alam nami’y ito ang nakita ni Mamu Gloria Escoto sa kanyang tarot cards.

But eat your heart out, so-called The Prophetic Witch, dahil ipinagmamalaki lang naman ng showbiz mom ang mga regalo ni Dominic sa kanya.

Ilan lang sa mga tine-treasure niyang gifts ay isang mamahaling painting na matatagpuan sa Beati Farm ng aktres sa Zambales.

Ibinida rin nito ang mga regalong expensive scented candles ng nobyo ng anak.

Kasabay nito ang mala-farm tour na ginawa ng showbiz mom para ipakita ang laki ng iginanda at in-improve ng isa sa mga major investments ng anak.

Ang noo’y patag lang na malawak na lupa ay marami nang tanim na puno’t halaman.

Nagkakat din ang mga hayop tulad ng kabayo, baka, baboy at bibe.

Matatapuan din doon ang basketball court, outdoor kitchen, greenhouse, tree house, fishpond at daycare room.

Puring-puri nga ng mga netizens kung gaano ka-expert ang ina ni Bea sa financial management.

Ikinumpara pa siya sa ibang showbiz mothers na hindi sinamantala ang pagkita nang malaki ng mga anak para mag-invest.

Napakasuwerte raw ni Bea for having a mother who knows how to invest her earnings wisely.

At this point, lalaking makakasama sa buhay na lang daw ang missing  sa aktres.

Mukha naman daw pasado si Dominic sa partido ni Bea. Ronnie Carrasco III