Ina ni Diego to-the-rescue kay AJ!

Ina ni Diego to-the-rescue kay AJ!

December 6, 2021 @ 2:20 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Matapos ang non-stop batikos at pang-aalipusta na natanggap ni AJ Raval sa social media world, hindi na nakapagpigil si Teresa Loyzaga na ipagtanggol siya, ina ni Diego Loyzaga na nali-link sa newbie sexy actress.

Ipinadaan ni Teresa sa veteran columnist na si Cristy Fermin ang mensahe at komento nito sa isyung kinakaharap ni AJ.

“Naranasan ko na sira-siraan noon.

“Ang paninira sa ibang tao ay hindi kahit minsan naging solusyon. Nakilala ko si AJ. She seems like a nice girl and kilala ko rin ang dad niya. Sana tumigil na ang paninira. Life should be happy. Lahat nagkakamali at nadadapa. Kahit may anak or wala, she’s a woman. Ako po nanganak and naging single mom. Let’s respect AJ also. Sana si chismosong frog ang layuan niya,” pagbabasa ni Cristy sa text message sa Cristy Ferminute.

In fairness, pati nanay ni Diego ay ipinagtanggol si AJ. Maaaring wala naman kasi talagang relasyon ang dalawa at hindi nagkaroon ng affair pero ang mga tao sa social media, mukhang walang balak pakinggan ang kahit na anong paliwanag o pagtatanggol kay Raval.

In short, mukhang cancelled ang aktres sa social media world.

If that’s the case, dapat na nga ba niyang sundin ang payo ng netizens na iwanan ang showbiz to save her dad’s face and name? Hmmmm. Paula Jonabelle Ignacio