Ina ni Kathryn, takot na mabuntis ni Daniel ang anak sa camping!

Ina ni Kathryn, takot na mabuntis ni Daniel ang anak sa camping!

July 10, 2021 @ 11:12 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Kakaibang “high” ang dulot ng camping kay Kathryn Bernardo, na-miss daw niya kasi ito noong nasa elementary school pa siya.

Bagama’t may go-signal ang batang aktres mula sa inang si Mommy Min, mahigpit nitong bilin na once a year lang naman daw dapat gawin ang outdoor activity.

Kasama ni Kathryn siyempre ang nobyong si Daniel Padilla.

Inalmahan ni Kathryn ang kundisyon ng ina. Dahil sayang daw ang mga gamit o camping gear, kung maaari’y kahit twice a year siyang makapag-camping.

Gusto lang ipa-realize ni Mommy Min sa anak na may nakaambang peligro sa camping.

Pinalagan din ito ni Rita Atayde na kasama rin ni Kathryn, humirit na kung puwede’y three o four times a year sila mag-camping.

Nasa grupo din nila si Sophia Andres na nabalitang inilihim ang pagbubuntis, pero kasamang nag-camping ang nobyo.

Hindi man diretsahin ni Mommy Min, tiyak na umiiwas lang siya sa posiblidad na mabuntis ni Daniel ang anak kaka-camping nila.

May punto naman. Ronnie Carrasco III