Ina ni Miggy Jimenez, nag-walk out, hindi nakayanan ang pelikula!

Ina ni Miggy Jimenez, nag-walk out, hindi nakayanan ang pelikula!

October 5, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Kamakailan ay nagkaroon ng private screening ang Vivamax movie na 2 and One, isang BL movie kung saan bida sina Miggy Jimenez, Cedrick Juan at Paolo Pangilinan. Invited ni Miggy ang kanyang ina to watch the said screening.

Si Miggy ay dating child actor na nanalong Best Child Host sa Tropang Pochi. Nakasama rin siya noon sa Panday Kids.

Ngayon ay nalilinya na siya sa mga gay roles sa mga BL movies.

Evidently, super steamy ang love scenes ng tatlong boys sa 2 and One. There were scenes na nagkaroon pa sila ng orgy.

At this point ay tumayo na ang kanyang mommy at lumabas ng sinehan.

“My mom left, yes. I guess she’s not yet ready to watch me in that kind of film but I’m willing na samahan siya ulit kapag ready na siya manood. I understand her naman kasi bunso ako, e,” paliwanag ni Miggy.

Nagpaalam naman si Miggy sa kanyang ina bago pa niya gawin ang movie. Nagpaalam din daw siya sa kanyant girlfriend.

“Mas na-challenge ako magpaalam sa nanay ko kesa sa girlfriend ko,” sabi niya.

Kahit si Miggy ay aminado na nagulat siya nang napanood niya ang kanyang sarili sa big screen.

“Shocking po talaga nu’ng napanaood ko sa big screen pero mixed emotions ang naramdaman ko. I’m proud of our work and may reflection sa sarili ko na ‘yun pala ang ginawa namin. I’m happy and proud of what we did. No regrets. One for the books,” pagmamalaki ni Miggy.

Kahit na hindi pinanood ng kanyang ina ang private screening ng kanyang BL movie ay matapang pa rin si Miggy sa pagbibigay buhay sa mga gay roles.

“Hindi ako natatakot kasi it’s part of the job. To explore sa mga characters. Kung mabibigyan pa ako ulit ng chance, why not. It’s a privilege,” sabi ni Miggy.

Aminado naman si Miggy na siya ay straight guy. Kaya naman nagdalawang-isip pa rin siya nu’ng una bago siya sumabak sa man to man love scenes.

“First may reluctance talaga ako, kailangan ko munang kausapin ang sarili ko kaya naman ginabayan kami ng Idea First nina Direk Percy (Intalan) at ni Direk Jun (Lana). Pinaintindi sa akin ang dynamics ng story,” sabi pa niya.

Paano ba sila nag-prepare sa orgy scene? Sa man to man scenes?

“Awkward ‘yung situation kaya as much as possible, before mag-take, e, nagha-huddle kami, ‘kaya natin ito, we will do this,’ wala namang dapat ikahiya. Part siya e.

“Kailangan naming lunukin kasi hindi lang trabaho ang iniisip namin, marami ring nagtatrabaho around us so we need to fully commit po,” pagtatapos na paliwanag ni Miggy.

Ang 2 and One ay dinirehe ni Ivan Andrew Payawal ng Game Boy series. Streaming na ang pelikula sa Vivamax. JP Ignacio