Ina Raymundo, pinainit ang TikTok world!

Ina Raymundo, pinainit ang TikTok world!

February 3, 2022 @ 8:01 AM 8 months ago


Cebu City, Philippines— Nag-aapoy ngayon ang TikTok world dahil sa pagiging ‘hot mama’ ng former sex siren na si Ina Raymundo, who is now 46-year-old.

Nag-share ng dancing video sa Tiktok si Ina nu’ng Saturday, January 29, 2022, to the tune of Pussycat Dolls’ “Buttons,” at mabilis na umakyat ang bilang ng views at shares nito.

Kilala si Ina nu’ng kanyang kabataan as a sexy actress, singer, at dancer kaya naman hindi na nakaka-surprise kung talaga namang pak na pak pa rin siya kapag gumigiling.

“Perfect momma!”, “Walang kupas, sexy pa rin!” at “Sabado nights!”. ‘Yan ang ilan lang sa mga comments ng mga netizens kay Ina.

Si Ina ay asawa ngayon ng isang businessman na si Brian Poturnak, at biniyayaan sila ng apat na anak. Joey Sarmiento