Nobyembre ideklarang “Buy Pinoy, Build Pinoy Month Act”-Villar

August 16, 2022 @8:05 AM
Views:
7
MANILA, Philippines – Upang hikayatin ang pampubliko at pribadong sektor na tangkilikin ang mga produktong Pinoy, nais ni Senator Cynthia A. Villar na ideklarang “Buy Pinoy, Build Pinoy Month” ang Nobyembre.
Sa kanyang Senate Bill 357, sinabi ni Villar na kailangang unahin ang pagbili at paggamit ng produktong Pinoy at pagtangkilik sa serbiayo ng ating mga kababayan.
“Patronizing our own Filipino products strengthens the Philippine economy,” giit ni Villar na kilaka sa pagsusulong sa lokal na produkto mula sa kanyang mga programang pangkabuhayan.
Aniya, pinili niya ang Nobyembre dahil dumarami ang mga mamimili sa panahong ito bunga ng Kapaskuhan.
Bagama’t madalas ni Villar naririnig ang kasabihang “Tangkilikin ang Sariling Atin”, dismayado naman siya na hindi ito naisasagawa.
Pinuna niya ang kakulangan ng ating pamahalaan at stakeholders na ipaalam sa consumers ang pakinabang sa sandaling gawin natin ito.
Naniniwala si Villar na kailangan suportahan natin ang Filipino entrepreneurs para sa kanilang pag-unlad at pakikipag- kumpetensiya. .
Layunin ng panukalang batas ni Villar na itanik sa isipan ng bawat Isa ang pagtangkilik sa Filipino- made products at pagkilala sa Filipino producers, partikular ang micro, small and medium enterprises (MSMEs).
“All heads of government offices and instrumentalities, including government-owned and controlled corporations, as well as local government units, and employers in the private sector, shall encourage and afford sufficient resources, time and opportunities for MSMEs to engage and participate in any and all activities to mark the month,” sabi ni Villar.
Mahalagang sangkap ang MSMEs sa pag-unlad ng ating ekonomiya. Binubuo nila ang 99.6 % ng mga rehistradong negosyo sa Pilipinas. Binibigyan din nila ng trabaho ang mahigit 67 % ng Filipino labor force. Ernie Reyes
42 patay sa COVID; 3,484 bagong kaso naitala

August 16, 2022 @7:51 AM
Views:
8
MANILA, Philippines – Dagdag na 3,484 bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ang naitala nitong Lunes dahilan pa umabot na sa kabuuang 3,835,422 ang bilang ng naturang sakit.
Batay sa pinakahuling bulletin ng Department of Health (DOH), bahagyang bumaba ang active infections sa bansa sa 38,982 matapos ang tatlong sunod na araw ng mahigit 40,000 active cases.
Karagdagang 4,473 indibidwal ang naka-recover mula sa viral disease, na tumaas ang kabuuang recoveries sa 3,735,362. Ang bilang ng mga namatay ay tumaas din ng 42 hanggang 61,078.
Naitala ng Metro Manila ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na 14 na araw na may 15,888.
Sinundan ito ng CALABARZON na may 10,148 at Central Luzon na may 5,276. Ang Western Visayas ay nagmonitor ng 2,823 na kaso habang ang Cagayan Valley ay nag-ulat ng 2,388 na bagong impeksyon.
Sinabi ng DOH na 16,131 indibidwal ang nasuri para sa coronavirus noong Linggo, Agosto 14.
Tatlong daan at limampu’t pitong testing lab ang nagsumite ng kanilang mga resulta sa parehong petsa. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Mas mabigat na parusa sa sugar hoarders hirit ng solon

August 16, 2022 @7:38 AM
Views:
9
MANILA, Philippines – Isang panukalang batas ang nakatakdang ihain ni Albay Rep Joey Salceda sa House of Representatives kung saan ituturing na economic sabotage ang agricultural cartels, hoarding at profiteering.
Ayon kay Salceda ang kanyang ihahain na panukala ay aamyenda sa Republic Act (RA) 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 kung saan isasama ang price manipulation bilang isa sa mga mapapatawan ng mabigat na parusa.
“I want to give the government the legal basis to raid hoarders and cartels, and to punish them with the full brunt of the law”pahayag ni Salceda na syang Chairman ng House Ways and Means Committee.
Ang hakbang ng solon ay kasunud na rin ng naiulat na smuggling at hoarding ng asukal.
Ani Salceda hindi lamang sa asukal may problema ang bansa pagdating sa hoardong at smuggling kundi maging sa iba pang produkto gaya ng bigas, mais,bawang, sibuyas at iba pa kaya naman kailangan na mayroong mabigat na parusa sa mga lalabag dito.
Suhestiyon ni Salceda ay magpataw ng P1M hanggang P10M parusa sa mga lalabag.
Samantala iminungkahi ni Salceda kay PAngulong Bongbong Marcos na magtatag ng Task Force on Agricultural Hoarding at magsagawa ng mga raid sa warehouse ng sugar hoarders gaya ng naging aksyon noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ani Salceda, naniniwala syang may nagaganap na hoarding at pang aabuso sa sugar market kaya tumataas ang presyo ng asukal gaying wala namang problema sa produksyon.
“I suspect abuse in the sugar market. The planters are saying harvest didn’t decline as much as the market suggests it did. Production declined by just 16%, but prices are up as much as 90% year on year. If something looks, smells, and feels nefarious, it probably is,” pagtatapos pa ni Salceda. Gail Mendoza
Higit 1500 motorista nasita sa unang araw ng expanded coding

August 16, 2022 @7:25 AM
Views:
10
MANILA, Philippines – Mahigit 1,500 sasakyan ang napagsabihan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng dry run para sa expanded number coding scheme sa National Capital Region.
Aabot sa 1,549 na motorista ang pinara ng mga opisyal ng MMDA nitong Lunes, Agosto 15 dahil sa pinalawig na number coding scheme, na nagbabawal sa mga sasakyan na bumyahe sa ilang kalsada sa ilang oras minsan sa isang linggo.
Sinasaklaw nito ang mga pangunahing kalsada sa kabisera na rehiyon kabilang ang EDSA, Commonwealth, Roxas Boulevard, R1 hanggang R10, C1 hanggang C6, Alabang Zapote Road, McArthur Highway, Marcos Highway, at Mabini Street.
Sinabi ng MMDA na ang mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa mga sumusunod na digit ay hindi pinapayagan sa kalsada mula 7:00 am hanggang 10:00 am:
– Lunes – 1, 2
– Martes – 3, 4
– Miyerkules – 5, 6
– Huwebes – 7, 8
– Biyernes – 9, 0
Ang mga nasitang motorista ay hindi muna natikitan pero simula Huwebes, Agosto 18, ay pagmumultahin na ang mga lalabag ng P300.
“’Pag nahuli ka ng tatlong beses sa isang taon, sina-summon ka namin para mag-seminar. Sa LTO [Land Transportation Office], sinu-suspend nila yan but we’re just recommendatory. LTO na ang magdedesisyon,” ani MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija.
Idinagdag ni Nebrija na ang muling pagpapatupad ng pre-pandemic number coding scheme ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes sa bansa. RNT
VP Sara pabor sa P2.4B laptop deal probe

August 16, 2022 @7:12 AM
Views:
18