Inabandonang GIVI box sa Ermita negatibo sa pampasabog

Inabandonang GIVI box sa Ermita negatibo sa pampasabog

November 21, 2022 @ 7:06 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang kahina-hinalang kahon na inabandona ang natagpuan sa Ermita, Maynila.

Ayon sa pulisya, isang tauhan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagsumbong sa kahina-hinalang GIVI box (motorcycle box) na nakalagay lamang sa Service Road ng Roxas Boulevard sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na naglalakad umano si Reynaldo Villanueva, 60, DPWH inspector papuntang parking nang mapansin ang GIVI box sa isang tabi.

Agad nitong inireport kay PLt Job V. Jimenez, hepe ng J. Bocobo PCP ang insidente para marespondehan at mabusisi.

Kasama ang K9 dog ng MPD, ininspeksyon nito ang kahon ngunit dahil hindi nagbigay ng senyales ang aso ay maayos na itong nadispatsa. Jocelyn Tabangcura-Domenden