Inabandonang puslit na sigarilyo, nasamsam sa pampasaherong barko

Inabandonang puslit na sigarilyo, nasamsam sa pampasaherong barko

November 15, 2022 @ 1:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kahon-kahong mga inabandonang puslit na sigarilyo ang nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang pampasaherong barko mula sa Port of Siasi, Sulu.

Ayon sa PCG, tinatayang aabot ito sa halagang humigit-kumulang P210,000.

Nakita ng PCG ang naturang kargamento habang iniispeksyon ang mga inabandonang bagahe sakay ng MV Ever Queen of the Pacific na bumibiyahe mula Port of Siasi papuntang Port of Zamboanga.

Natuklasan ang 10 kahon at na bag nang buksan ng mga tauhan ng PCG na naglalaman ng 300 ream ng sigarilyo na hinihinalang iligal na inangkat sa bansa.

Agad itong kinumpiska ng PCG para ma-i-turnover sa Bureau of Customs (BOC) kahapon, ika-14 ng Nobyembre 2022.

Isasailalim sa imbestigasyon ang mga nakumpiskang sigarilyo para malaman ang mga suspek sa likod ng insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden