INAGURASYON NG MAYNILAD WATERLab
April 13, 2022 @ 3:19 PM
1 month ago
Views:
283
Lydia Bueno2022-04-13T15:19:03+08:00
INAGURASYON NG MAYNILAD WATERLab-Pinasinayaan ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang bagong pinalawak na water laboratory nito na tinawag na WATERLab, na matatagpuan sa La Mesa Compound sa Quezon City sa pangunguna ni Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernandez kasama sina Maynilad Chief Operating Officer Randolph T. Estrellado, Department of Health–Environmental and Occupational Health Center Head Dr. Wency Blas, Metropolitan Waterworks and Sewerage System Administrator Engr. Leonor C. Cleofas, DOH-MMCHD Chief Local Health Support Division Medical Officer IV Dr. Amelia Medina, MWSS Regulatory Office Chief Regulator Atty. Patrick Lester N. Ty, Department of Trade and Industry–Philippine Accreditation Bureau Laboratory Accreditation Division Chief Michelle Esteban, at Maynilad Quality, Sustainability & Resiliency Head Roel Espiritu. Ito ang gagamitin sa pagsusuri sa kalidad ng tubig na ipinamamahagi sa may 9.9M kostumer nito.
May 27, 2022 @3:06 PM
Views:
29
MANILA, Philippines- Nagkalat sa labas ng mga government office, poste, paaralan at parke ang pambansang watawat na sumasagisag sa pagkakakilanlan ng Pilipinas bilang malayang bansa, na ginuginita kada ika-28 araw ng Mayo.
Crismon Heramis
May 21, 2022 @5:07 PM
Views:
152
Tinugunan ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez ang mga katanungan mula sa mga miyembro ng media sa isang ambush interview matapos ang pananghaliang pakikipagpulong ng mga bagong halal na kinatawan ng PDP Laban sa Edsa Shangrila Hotel sa Mandaluyong City.
Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) Bulacan Rep. Rida Robes, Surigao Del Sur Rep. Johhny Pimentel, Reggie Velasco at Pampanga Rep Aurelio Gonzales.
Sinabi ni Rep. Robes na ang PDP ay umaasa na makatrabaho si Romualdez na siyang nalalapit na maging House Speaker sa 19th Congress upang maisagawa ang pambatasang balakin sa pagpasok ng administrasyon ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
May 12, 2022 @8:48 AM
Views:
213
MANILA, Philippines – Iprinoklama na bilang bagong alkalde ng lungsod ng Maynila si Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, na siyang naging kauna-unahang babae na nahalal sa pinakamataas na lokal na posisyon sa lungsod, kagabi ng Miyerkules.
Si Lacuna ay ipinroklama ng Commission on Election (COMELEC) bilang nanalong Alkalde ng nasabing lungsod alas-7:25 kagabi sa Manila City Council Session Hall.
Nakakuha si Lacuna ng 526,054 na boto, higit sa tatlong beses ang bilang ng mga boto na natanggap ng katunggali nito na si Alex Lopez na nakakuha lamang ng 163,292 na boto.
Si Lacuna, na isang doktora at kasalukuyang bise alkalde ng lungsod, ay kumandidato kasama ang katambal nito na si Manila 3rd District Representative Yul Servo Nieto, na iprinoklama na rin kagabi bilang bagong Bise Alkalde ng Maynila makaraang makakuha ng may 573,562 boto.
Si Lacuna ay nagsilbi ng dalawang termino bilang bise alkalde sa ilalim ng dating pangulo at noo’y mayor na si Joseph Estrada noong 2016, at sa ilalim ng kasalukuyang Mayor ng Maynila na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso noong 2019.
Siya rin ay anak ng dating bise alkalde na si Danilo Lacuna Sr.
Bukod kina Lacuna at Servo ay iprinoklama din kagabi ang mga nanalong Konsehal at Congressman mula sa anim na Distrito ng lungsod tulad nina 1st District Congressman Ernix Dionisio, 2nd Dist. Rolan Valeriano, 3rd District Joel Chua, 4th Dist. Edward Maceda, 5th Dist. Irwin Tieng, at 6th Dist. Benny Abante na pawang mga nasa ilalim ng partido ng Asenso Manilenyo. JAY Reyes