LPA sa Northern Luzon isa nang tropical depression

June 30, 2022 @6:36 PM
Views:
9
MANILA, Philippines- Naging tropical depression na ang low-pressure area (LPA) sa silangan ng Northern Luzon at pinangalanang “Domeng,” ayon sa PAGASA nitong Huwebes.
Iniulat ng PAGASA na ang center ng tropical depression Domeng ay namataan 940 kilometro East of Extreme Northern Luzon hanggang nitong alas-3 ng hapon. Mayroon itong maximum sustained winds na 45 kilometers per hour malapit sa center at gustiness hanggang 55 kilometers per hour patungong northwestward sa bilis na 15 kph.
Magiging maulan sa mga probinsya ng Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan dahil sa trough monsoon at sa Southwest Monsoon.
Gayundin, ang monsoon at Southwest Monsoon ay magdudulot ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.
Sa natitirang bahagi naman ng bansa ay makararanas ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms brought about by the localized thunderstorms.”
Inaasahan din ang moderate to strong winds at coastal waters sa northern at western sections ng Luzon habang sa natitirang bahagi naman ng bansa ay magiging light to moderate ang hangin at slight to moderate ang coastal water conditions.
Inilahad pa ng PAGASA na ang tropical depression “Caloy” ay naging tropical storm na tinatawag na ngayong “Chaba” matapos lumabas sa Philippines Area of Responsibility ngayong Huwebes. RNT/SA
Ex-congressman Ruffy Biaxon nanumpa bilang alkalde ng Muntinlupa

June 30, 2022 @6:24 PM
Views:
18
MANILA, Philippines- Pormal nang nanumpa and bagong halal na mayor ng Muntinlupa City na si dating Congressman Ruffy Biazon kahapon kay Executive Judge Myra Quiambao kasama pa ang ibang halal na opisyal sa nakaraang May 9 local election.
Ang panunumpa ni Biazon kasama ang dating mayor na ngayom ay Congressman ng lungsod na si Jaime Fresnedi, Vice-Mayor Artemio Simundac at mga konsehal ay isinagawa sa Filinvest Tent, Alabang, Muntinlupa.
“Together, in this transition, we are putting into place political reforms that we hope future public servants will also advocate and pursue. Through this initiative, we aim to leave behind the outdated, obsolete and overdue brand and style of politics and replace it with one that exemplifies professionalism, principles and proactivity,” pahayag ni Biazon.
Sa pahayag ni Bizaon ay kanyang isusulong sa ilalim ng kanyang administrasyon ang Mayor’s Action Center, one-stop-shop para sa mga pangunahing serbisyo gaya ng medical assistance, burial and iba pang serbisyo para sa mamamayan ng Muntinlupa.
“Maaaring may mga pagkakaiba tayo sa pinanggalingan, kaugalian at pananaw. Pero dapat tayo ay nagkakaisa sa hangarin na i-angat ang ating mga kababayan at ang ating lungsod. Sa ating pagkakaiba-iba, tayong lahat ay pare-parehong Muntinlupeño na ang pangarap ay magkaroon ng mapayapa, maayos at maginhawang buhay,” dagdag pahayag ni Biazon. James I. Catapusan
GILAS TAMBAK SA TALL BLACKS

June 30, 2022 @6:14 PM
Views:
11
MANILA, Philippines – Nalasap ng Gilas Pilipinas ang mapait na pagkatalo kontra Tall Black ng New Zealand, 106-60, sa kanilang unang laban sa 3rd window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Auckland, New Zealand.
Ginamit ng Tall Blacks ang matinding sigwada sa first half, kung saan agad nilang dinurog ang national team at nilimitahan ang Gilas sa walong puntos kontra sa 24 sa unang quarter at tapusin ang half sa iskor na 47-21. Humabol ang Gilas, 23-13, sa opening frame.
Matapos ang nakadidismayang first half, naging agresibo ang national team at nagpakita ng impresibong laro sa third quarter kung saan umiskor ang Gilas ng 22 points, pero nanatiling malakas ang New Zealand at hinawakan ang 73-43 na kalamangan sa payoff period.
Samantala, ipinagpatuloy ng Tall Blacks ang kontrol sa laro na nagresulta sa pagtipa nila ng kanilang ikaapat na panalo sa torneo.
Sa nakaraang window ng qualifiers, tinalo rin ng New Zealandad ang Gilas, 88-63.
Dahil sa pagkatalo, nalugmok ang Gilas sa kartadang 1-2 sa tournament at babalik sila sa bansa upang sagupain naman ang higanteng team ng India sa Linggo ng gabi sa Mall of Asia Arena.
Target ng Gilas na talunin ang India.RICO NAVARRO
25 indibidwal nakaranas ng pagkahilo, high blood pressure sa inagurasyon ni BBM

June 30, 2022 @6:12 PM
Views:
17
MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 25 indibidwal na dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Museum of Fine Arts nitong Huwebes ang nakaranas ng pagkahilo at high blood pressure.
Ayon sa mga tauhan ng Department of Health, dinala sa tent ng medical team sa museum ang mga pasyenteng edad 40 hanggang 55 taon.
Anila pa, siyam pang indibidwal na dumalo sa inagurasyon ang nagpa-check ng kanilang blood pressure.
Halos 7,000 indibidwal kasama ang VIPs ANG dumalo sa inagurasyon, ayon kay Manila Police District spokesperson Police Major Phillip Ines. RNT/SA
Duterte: Bagong admin suportahan, tulungan

June 30, 2022 @6:00 PM
Views:
24