INAGURATION AT PAG BABASBAS NG BAGONG RIVERVIEW POLICE COMMUNITY PRECINCT  SA BASECO

INAGURATION AT PAG BABASBAS NG BAGONG RIVERVIEW POLICE COMMUNITY PRECINCT  SA BASECO

September 26, 2022 @ 3:10 PM 2 months ago


Noong September 22, ay naanyayahan ang inyong Agarang Serbisyo Lady sa isinagawang inaguration at pag babasbas ng bagong Riverview Police Community Precinct (PCP-3), sa BASECO compound, Port Area, Manila.

Ang nasabing sub-station ay nasa pangangasiwa ng BASECO Police Station o ang kilala bilang Station 13 ng MPD o Manila Police District.

Tumulong kasi ang MCAT o ang Manila Chinese Action Team sa konstruksyon ng panibagong community precinct na malaki ang magagawa para matiyak ang katahimikan at kapayapaan sa komunidad dahil sa police visibility.

Alam naman natin na kapag may aktibong presensiya ang ating kapulisan ay nababawasan ang lakas ng loob ng mga kababayan natin na may masamang hangarin sa kapwa.

Nakasama nating dumalo sa nasabing inagurasyon sina police brigadier general Andre Dizon, district director, Manila Police District na nirepresenta ni PCOL Raul M Tacaca, DDDA, si PCOL Arnold Thomas C. Ibay, CDDS, PCOL Igmedio Bernaldez, Chief D4, PMAJ Armando P. Linget, PCP Commander, PMAJ Leo C. Labrador, PSSg Raquel P Dela Cruz (master of ceremony), si punong barangay Diana Espinosa ng Barangay 649 o ang BASECO, at si Edwin Fan na kasama natin sa MCAT.

Nagsilbing punong abala naman si police lieutenant colonel Rodel Borbe na siyang station commander ng BASECO police station.

Ang bagong PCP na ito ay simbolo ng pag kakaisa at pag tutulungan sa pagitan ng PNP at ng MCAT upang higit na mapabuti ang pag seserbisyo at pag papalaganap ng katahimakan sa ating mga komunidad.

Alam n’yo ba na ang BASECO sa Port Area, Manila, bagamat isang Barangay lamang sa Maynila ay parang isa ng munisipyo, mayroon itong populasyon na halos 63,000. At “melting pot” ito ng napakaraming tao sa Pilipinas, buhat sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Isa sa mga masasabing legacy ng Duterte administration ay ang pagbaba ng antas ng krimen sa buong bansa, nasa 73.7%, kaya pakiramdam ng ating mga kababayan ay ligtas sila sa panganib. Maraming mga masasamang loob ang nag-lie low sa kanilang hindi magandang gawain sa takot nila kay Pangulong Duterte. 

Pero ang napapansin ng ating mga kababayan sa kasalukuyan ay medyo tumataas na naman ang krimen. Bagamat sinasabi ng pamunuan ng PNP o Philippine National Police na nananatiling mababa ang antas ng krimen, iba ang pakiramdam ng ating mga kababayan. Halimbawa kasi, may mga lugar na sa loob ng anim na taon ng Duterte administration ay walang nangyaring holdapan, pero ngayon ay may mga naitatala na namang ganitong klase ng krimen. 

Kaya hamon sa ating kapulisan lalo na sa mga nasa MPD ang police visibility para mapigilan ang krimen sa ating lipunan.

Bumabangon pa lamang tayo mula sa pagkakalugmok dulot ng pandemya at ng mga kalamidad, kaya mahalaga ang presensiya ng kapulisan sa mga komunidad.

Kami naman sa Manila Chinese Action Team ay umaagapay sa ating kapulisan sa MPD para sa kanilang pangangailangan para sa paglaban kontra kriminalidad, at ang taong bayan ay may mahalagang papel, maging mapagmatiyag kayo sa inyong mga Barangay at sa inyong mga lokalidad. Anumang kahina-hinala ay ipagbigay-alam kaagad sa Barangay at sa ating kapulisan.