INC, kinilala at pinapurihan ng Senado sa 104th anniversary

INC, kinilala at pinapurihan ng Senado sa 104th anniversary

July 31, 2018 @ 12:32 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Senado kamakailan ang isang resolusyon na kumikilala sa 104th anniversary ng Iglesia ni Cristo (INC) at pinapapurihan ang kanilang mga lider at kontribusyon sa lipunan.

Nitong Lunes, walang tumutol, kaagad pinagtibay ang panukalang Senate Resolution No. 806, na inihain ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri. Pinagtibay din ng Senado na gawing co-authors ang lahat ng miyembro ng Senado.

Ayon kay Zubiri, tuwing ika-27 ng Hulyo, ipinagdidiwang ng Iglesia ni Cristo, isang global Christian church, ang kanilang pagkakatatag noong 1914 ng kanilang founder na si Ka Felix Manalo, bilang unang executive minister.

“With nearly 7,000 congregations in more than 143 nations and territories subscribing to the teachings of the INC, the Iglesia ni Cristo commands a strong influence in strengthening the country’s moral and spiritual integrity,” ayon kay Zubiri sa resolusyon.

Nakatakda din sa resolusyon ang pagpuri sa liderato ni INC Executive Minister, Ka Eduardo Manalo, sa kanyang pamamahala sa INC na patuloy na lumalago ang bilang ng kanilang miyembro.

Sinabi pa ni Zubiri na kinikilala ng Senado ang papel na ginagampanan ng INC sa paghahatid ng outreach mission na nagbigiay ng tulong at serbisyo tulad ng Lingap sa Mamamayan o Aid for Humanity Program at Worldwide Walk To Fight Poverty.

“The Lingap sa Mamamayan or Aid for Humanity Program is an integrated socio-civic service which extended medical and dental services and other forms of assistance to the needy, calamity victims and indigenous peoples, while the Worldwide Walk to Fight Poverty is the INC’s Guinness World Record charity walk among multiple venues which benefited Typhoon Haiyan victims, indigenous folk from Visayas and Mindanao, and impoverished communities in South Africa,” ayon kay Zubiri. (Ernie Reyes)