INC pormal nang inendorso ang tambalang Bongbong-Sara!

INC pormal nang inendorso ang tambalang Bongbong-Sara!

May 3, 2022 @ 7:57 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pormal nang inendorso ng Iglesia ni Cristo ang kandidatura nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Inianunsyo ito sa pamamagitan ng INC-owned broadcast channel na Net 25.

Samantala, kasabay nito ay nagpahayag din ng suporta ang INC sa mga sumusunod na senatorial candidates:

  • Guillermo Eleazar

  • Robin Padilla

  • Jinggoy Estrada

  • JV Ejercito

  • Juan Miguel Zubiri

  • Chiz Escudero

  • Loren Legarda

  • Jejomar Binay

  • Alan Peter Cayetano

  • Sherwin Gatchalian

  • Mark Villar

  • Joel Villanueva

Batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistic Authority, as of 2015, ang INC, na kilala sa kanilang bloc-voting practice ay mayroong 2.6 milyong mga miyembro. RNT/ JCM