INC, tagumpay sa temang “lingap laban sa kahirapan “

INC, tagumpay sa temang “lingap laban sa kahirapan “

July 15, 2018 @ 3:02 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Umabot sa mahigit 100 libong katao ang dumagsa sa isinagawang “Lingap laban sa Kahirapan ng Iglesia ni Cristo” para sa 104 na anibersaryo ng nasabing relihiyon sa Pilipinas, sa Quirino Grandstand , Burnham Green, sa Rizal Park, Ermita, Manila.

Bandang 8:00 ng umaga, kahapon , nang magsimulang dumagsa ang mga tao hanggang gabi sa kabila ng pabugso-bugsong ulan at makulimlim na panahon.

Hindi lamang mga miyembro ng INC ang nagsidatingan sa nasabing kaganapan na bukod sa pamamahayag ng mga salita ng Diyos at programa ay nagkaloob din ng mga libreng serbisyo para matugunan ang mga pangangailangan ng mga mahihirap na mamamayan.

Ang serbisyong medikal  na naihandog na  kinabibilangan ng dental checkup, complete blood count, blood sugar determination, blood typing, urinalysis, ultra sound, at  2 de echo, at libreng kosultasyon sa mga dermatologist, ophtalmologist, pediatrician at general medicine.

Layunin ng nasabing gawain na maipaabot sa publiko, di lamang sa mga kasapi ng INC, ang tulong na makukuha ng libre sa halip na magbayad pa sa mga pribadong pagamutan at namamahagi din ng mga relief goods .

Todo-bantay naman ang Manila Police District sa nasabing event sa pangunguna ni Supt. Igmedio Bernaldez, ground commander , sa utos na rin ni MPD-District Director, Chief Supt. Rolando Anduyan. .

Kumpleto naman sa pasilidad ang pagtitipon na maagang inihanda ng INC .

Sabado pa lamang nang itayo ang stage at nilagyan ng sound system at LED walls. [RENE CRISOSTOMO]