Incentives para sa magpapabakuna kontra COVID suportado ni Bong Go

Incentives para sa magpapabakuna kontra COVID suportado ni Bong Go

May 30, 2021 @ 11:18 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Suportado ni Senador Christopher Bong Go ang pagbibigay ng incentives sa mga nagpapabakuna bilang bahagi ng pang-engganyo sa mga tao na magpabakuna kontra COVID-19.

Sa kabila nito, sinabi ni Go na mahalagang maipaunawa sa publiko sa pamamagitan ng information campaign ang magandang epekto ng bakuna sa mga tao at sa ating bansa.

Ayon kay Go, magandang maipaunawa sa publiko na tanging ang bakuna ang magiging susi para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at maiwasan ang pagkakahawa-hawa.

Kaakibat aniya nito ang disiplina ng bawat Pilipino tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

Ipinaalala din ni Go na kahit nabakunahan na ang isang tao, hindi nangangahulugan na hindi na ito dapat sumunod sa health protocols

Nagpaalala din si Go sa mga tao na huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan dahil hindi pa tapos ang laban kontra COVID-19. Kris Jose