Incentives sa barangay health workers na COVID-19 frontliners ipinanukala

Incentives sa barangay health workers na COVID-19 frontliners ipinanukala

August 10, 2022 @ 1:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bilang pagpapahalaga sa kanilang malaking sakripisyo sa laban sa COVID-19, iminumungkahi ni Davao Rep Paolo Duterte na bigyan ng incentives ang mga kuwalipikadong barangay health workers (BHWs).

Ayon kay Duterte “crucial at heroic” ang papel na ginagampanan ng BHWs para matiyak ang kaligtasan ng komunidad sa COVID at iba pang sakit kaya dapat lamang na bigyan sila ng malaking benepisyo.

Sa kabuuan ay nais ni Duterte na mabigyan ng P5,000 kada buwan na incentives ang mga BHWs.

“In recognition of the indispensable service they render, a monthly honorarium of not less than P3,000 a month should be given, on top of the monthly honorarium, BHWs accredited by their respective local health boards will also be given a monthly hazard allowance of at least P1,000; and monthly transportation allowance of at least P1,000 “nakapaloob sa panikala ni Duterte.

Sa inihaing Magna Carta of Barangay Health Worker ng mambabatas ay isinusulong din nito na mabigyan ng 20 percent discount ang mga BHWs na gaya ng natatanggap ng mga senior citizens at pagtanggap ng subsistence allowance na P100 kada araw kung maitatalaga sa barangay health station at one-time retirement cash incentive na P10,000 sa mga nakapagtrabaho sa loob ng 15 taon.

“With cases of dengue and Covid-19 continuing to increase, not to mention the growing concern over the monkeypox virus, barangay health workers have continuously been at the frontlines in our fight to keep our communities safe from diseases,” giit ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na habang patuloy ang pagkilala ng bansa sa mga nagawa ng mga doktor at nurses ngayong pandemic ay malaki rin ang sakripisyo na dapat din bigyang pagkilala ang nagawa ang mga BHWs.

“While doctors and nurses receive most of the public recognition for their life-saving roles during the pandemic, BHWs have remained almost unacknowledged for their sacrifices. It is about time that we recognize the incomparable service of our BHWs by providing them compensation and benefits,” dagdag pa ng solon. Gail Mendoza