Inciting to sedition na isinampa ni Yap, banta sa press freedom- Bohol tri-media

Inciting to sedition na isinampa ni Yap, banta sa press freedom- Bohol tri-media

January 18, 2022 @ 11:55 AM 7 months ago


Manila, Philippines-Binatikos ng isang Bohol tri-media group ang inciting to sedition case na isinampa ni Gov. Art Yap laban sa kanyang tatlong kritiko sa Makati City Prosecutor’s Office noong Oktubre at tinawag itong isang “uri ng harassment, kundi man simula ng panunupil sa pamamahayag.”

Sa isang statement, sinabi ng Bohol Tri-Media Association (BTMA) na ang reklamo ay isang “veiled threat to press freedom and free expression enshrined under the 1987 Philippine Constitution.”

“Yap’s move is ‘queer’ as even Pres. Duterte, who is still facing unscrupulous criticisms, left and right, from not only his nemesis here but also from other places in the world, did not lift a finger to go after his critics in court,” dagdag pa ng BTMA.

Nakatakdang magpalabas ng resolution ang Makati Prosecutors Office sa ilalim ni City prosecutor Dindo Venturanza ngayong buwan makaraang pagsumitihin ang magkabilang panig ng kani-kanilang counter affidavits.

Ayon sa BTMA, bagaman may karapatan ang bawat tao na maghain ng reklamo kapag naagrabyado, binigyang-diin nito na “it should not be at the expense of the media people.”

Ginawa ng BTMA ang pahayag makaraang magsampa si Yap ng reklamo laban kina dating Tagbilaran City Mayor Dan Lim, Bohol Chronicle Radio Corp. Chair Peter Dejaresco at Manila-based Boholano businessman Willy Ramasola.

“Such act of filing the case against media personalities sends a wrong signal, not only to the media but also to the people and the electorate,” ayon sa BTMA.

Sinabi pa ng BTMA, sa pangunguna ng presidente nito na si veteran newscaster Fred Araneta, na “if Capitol is running after the necks of prominent personalities, there’s no reason to believe that it cannot also attack the lowly who are hapless and defenseless.”

“We will never be silenced in doing our roles in the community,” pagbibigay-diin ng BTMA habang hiniling sa mga opisyal ng pamahalaan na “igalang ang kalayaan sa pamamahayag, hindi lamang sa salita kundi maging sa gawa.”

Sa kanyang mahigit 150-page complaint affidavit, inakusahan ni Yap ng pagsasabwatan ang tatlong respondents “who were incessantly, viciously and consistently publishing scurrilous libel not only against me but also against the Bohol Provincial Government and its officials.”

Sinabi pa ng first termer governor na nagkaroon umano ng “pattern of putting myself and the Bohol Provincial Government in a bad light in whatever situation, issuance or decision made.”

Sa isang radio interview, nilinaw ni Dejaresco na walang ganyang pattern dahil ang mga isyu ay basta na lamang lumalabas sa pagpapahayag ng mga netizen ng kanilang mga pananaw, komento at kritisismo laban sa provincial government.

Aniya, ang gobernador ay nabuking sa kanyang tunay na intensiyon sa isang recorded public statement sa isang radio interview na nagpapaliwanag na naghain siya ng reklamo “kay dili sila muhunong ug ataki nako” (they will not stop attacking me).

Magugunitang ilang buwan makaraang umupo siya bilang gobernador, sinuspinde si Yap nang tatlong buwan kaugnay sa kanyang katungkulan bilang secretary ng Department of Agriculture sa ilalim ni dating Pres. Arroyo. RNT