Inclusive economy para sa mga Pinoy, target ng US – Amb. Carlson

Inclusive economy para sa mga Pinoy, target ng US – Amb. Carlson

March 19, 2023 @ 12:33 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Target ng Estados Unidos na makapagbigay ito ng inclusive economy para sa Pilipinas.

Ito ang siniguro ni Ambassador MaryKay Carlson, kung saan sinabi niya sa mga babaeng negosyante na susuportahan ng US ang negosyo ng mga ito.

Kasabay ng Women Summit 2023 na inorganisa ng Go Negosyo, nangako si Carlson na ang US ay “will continue to partner with the Philippines to promote economic inclusion as part of our shared effort to increase prosperity for all Filipinos.”

“This, as we work together to develop a prosperous future,” dagdag pa niya.

Ang pahayag na ito ng ambassador ay kasunod ng pagdiriin niya na ang “diversity, fairness and inclusion are qualities that make our workforces more competitive, and our marketplaces more dynamic.”

Sa katunayan aniya, naglunsad ang Washington ng Academy for Women Entrepreneurs (AWE), kung saan iba’t ibang nasyonalidad, kabilang ang mga babaeng Filipino, ay benepisyaryo rito.

“Programs like AWE are a part of a broader US commitment to the future of women here in the Philippines and around the world,” ani Carlson.

“How we frame women’s participation in all sectors of society lays the foundation for the opportunities that women and girls will have as tomorrow’s decision makers,” dagdag pa niya. RNT/JGC