‘Inclusivity’ sa PhilSys project tiniyak ng PH gov’t

‘Inclusivity’ sa PhilSys project tiniyak ng PH gov’t

June 4, 2022 @ 3:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philipines- Tiniyak ng pamahalaan ang “inclusivity” sa implementasyon ng Philippine Identification System (PhilSys) project na makapagbibigay ng “proof of identity” sa lahat ng mga Pilipino.

Sa isang advisory, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumagda ito ng isang memorandum of agreement sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na naglalayong makapagbigay ng “easy registration access” para sa mga indigenous tribal members na handang makakuha ng sarili nilang Philippine Identification (PhilID) cards nang libre.

Ang kasunduan ay kinabibilangan ng pagbubukas ng mobile PhilSys registration sites sa loob ng IP communities.

Sinabi ng PSA, tutulungan ng mga emplaydo ng pamahalaan ang IPs sa buong registration process, upang matiyak na wala ni isa man ang maiiwan sa implementasyon ng PhilSys project.

Si PSA Undersecretary Dennis Mapa, isa ring National Statistician and Civil Registrar General, ay nagpahayag na ang PhilSys project ay may pangunahing layunin na magtatag ng “sustainable and inclusive identification system” para sa lahat ng mga Pilipino, lalo na sa vulnerable sectors ng lipunan.

“We extend our utmost appreciation to NCIP for their support to PhilSys and their commitment to uplifting indigenous communities nationwide,” anito.

Matatandaang noong Mayo 18 ng nakaraang taon, nagsagawa ang PSA ng pasimulang rolled out ng mobile PhilSys registration initiative sa Porac, Pampanga, tumulong sa komunidad ng Aeta na matatagpuan sa barangay Camisa, Villa Maria, Inararo, Diaz, at Sapang Uwak.

Bilang pagpapatibay sa pangako nito na inclusivity, tinulungan ang PSA sa rehistrasyon ng 254 Aetas na nakatira sa Floridablanca, Pampanga noong Marso 19 ngayong taon.

Idagdag pa, ang PhilSys registration para sa IPs sa Occidental Mindoro ay nagpapatuloy.

Sa ngayon, may kabuuang 10,972 IPs na nabibilang sa tribo ng Ratagnon, Hanunuo, Gubatnon, Tao Buid, at Iraya ay matagumpay na nakarehistro sa PhilSys.

Samantala, tiniyak naman ni PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista sa publiko na gagawin din ng PhilSys Registry Office ang kahalintulad na pagsisikap, nagpapatuloy ito na magrehistro ng huling milya ng populasyon.

“Through this partnership with NCIP, we are confident that we will be able to register more members of indigenous communities and improve their access to financial, social welfare, security, health, education, and other government services,” ayon kay Bautista.

“More Filipinos, regardless of race, are urged to sign up for the PhilSys Step 1 process via register.philsys.gov.ph, and Step 2 is capturing biometric information such as fingerprints, iris, and front-facing photographs at various registration centers nationwide,” ayon sa ulat.

“Step 3 is the delivery of the physical PhilID cards to owners by the Philippine Postal Corporation (PHLPost),” dagdag na pahayag sa ulat.

Nakatakda namang maglunsad ang PSA ng PhilSys mobile application upang magbigay ng alternatibong bersyon ng “proof of identification” para sa mga transaksyon habang ang registrants may naghihintay ng kanilang physical cards.

Nilagdaan ni PAngulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto 2018 ang Republic Act 11055 o PhilSys Act na naglalayong mag-establisa ng single national ID para sa lahat ng Filipino at resident aliens.

“The national ID shall be a valid proof of identity that shall be a means of simplifying public and private transactions, enrolment in schools, and the opening of bank accounts. It will also boost efficiency, especially in dealing with government services where people will only need to present the PhilID during transactions,” ayon pa rin sa ulat. Kris Jose