Income tax deduction sa middle class sa 2023, tiniyak ni Angara

Income tax deduction sa middle class sa 2023, tiniyak ni Angara

July 10, 2022 @ 4:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Senador Sonny Angara na magkakaroon ng tax relief sa susunod na taon para sa middle class.

“Yes. Next year there would be tax relief. Under the TRAIN law, there would be another income tax reduction,” pahayag ni Angara nitong Sabado.

“That will benefit the middle class—the teachers, ordinary employees who receive salaries that are subject to withholding tax. Their tax will be reduced next year,” giit pa niya.

Tinutukoy ni Angara, na itutuloy ang kanyang chairmanship sa Senate Committee on Finance sa 19th Congress, ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN Law), o Republic Act No. 10963.

Marami na ang panawagan para ayudahan ang middle class sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

Bukod dito, maraming pamilya ang apektado ng pagbagsak ng ekonomiya dahil sa pandemya.

Subalit, target ng government financial subsidy o “ayuda” ay ang minimum wage earners at mga namumuhay “below the poverty line”.

“If it’s possible, why not? We’ll have to see the numbers. But when it comes to financial aid, of course, we need to first prioritize those who are below the poverty line,” pagbibigay-diin ni Angara. RNT/SA