Income tax exemption sa poll workers lusot na sa House panel

Income tax exemption sa poll workers lusot na sa House panel

May 31, 2021 @ 2:11 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang batas na hindi magkakarga ng buwis sa benepisyo ng mga aasiste sa eleksyon.

Aprubado na sa komite ang House Bills 225, 5485, at 9218 na mag-aamyenda sa Section 32 sa National Internal Revenue Code of 1997.

Nakasaad dito na hindi kakargahan ng buwis ang lahat ng benepisyo ng mga guro na magiging parte ng electoral board para sa national at local election.

Hindi ito isasama sa kalkulasyon para sa taunang kita.

Isinulong ang mga batas ng Makabayan Bloc, ni Nueva Vizcaya Representative Luisa Cuaresma at ni Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel. RNT/ELM